The Diary Game Season 3 || Ang unang Outreach Sunday Fellowship namin sa Acmac Iligan City 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isang masaya at magandang kaganapan na naman ang ibanahagi ko sa inyong lahat dahil sa bawat pangyayari sa aking buhay ay nandyan ang Dios na laging nakaalalay at Siyang nagbibigay sa akin ng lakas, kung kaya nararapat lamang na Siya ay pasalamatan.

Itong araw nga na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring Outreach Sunday Service namin sa Acmac Iligan City na kung saan ito ang kauna-unahang fellowship dito, at salamat sa Dios sa mga nangyari.

jpg_20221004_073258_0000.jpg

Sa araw nga na ito ay hindi ako sa aming Church mag sisimba dahil naka assign ako ngayon sa pangalawang Church na kung saan associate Pastor ako kasa ang kaibigan kung Senior Pastor ko na si Ptr. @quilvz, pero para sa araw na ito medyo busy siya kung kaya ako lang muna ang magpupunta doon sana, mabuti na lang at merong isang youth sa Church namin na naimbeta ko at sumama sa akin, kaya hindi ako nag iisa ngayon.

photocollage_2022104164826887.jpg

Mga nasa oras na 8:00 ng umaga ay nag punta na kami ng aking kasama na youth at sa pagdating namin ang una naming pinuntahan ay ang bago na naming nakasama at nakapag Bible Study na rin kami sa kanila. Dahil bago pa nga siya ay ayaw na niyang pumunta sa Church kung kaya doon na lang kami sa kanilang tahanan nag samba at nagbahagi ng mga salita ng Dios. Bagamat nasa bahay lang kami ay salamat sa Dios dahil nakapagbigay kami ng papuri't pagsamba sa Kanya.

Mga nasa oras na 9:00 ng umaga natapos kami sa maikling fellowship namin sa bahay ni nanay kung kaya pagkatapos ay nag punta na din kami agad-agad sa Church na ilang minuto lang ang lakaran. Naghihintay kami kaunti hanggang dumating ang ilan sa mga membro ng Church, dahil nga sa nagsimula pa lang ang Church na ito, wala pa talagang mga membro pero kahit ganito nagpapasalamat pa rin kami sa Dios dahil nagpapatuloy pa rin ang gawain namin dito.

photocollage_20221041659426.jpg

Pagkatapos ng aming gawain doon sa Church sa Patag Manticao ay nagpunta din kami agad-agad doon sa Main Church namin para makapag pananghalian dahil pagsapit ng hapon ay aalis din kami dahil meron nga kaming bagong gawain doon naman sa Acmac Iligan City, ang aming bagong outreach. Umalis nga kami mga nasa oras na 2:30 ng hapon dahil medyo malayo pa ang aming byahe papunta doon mga higit 30 minuto din.

photocollage_202210417525181.jpg

Nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil nakarating kami doon mga nasa oras na higit 3:00 ng hapon ng ligtas at masaya dahil nga sa unang fellowship namin ngayon dito. Mga ilas sandali lang din ay sinimulan na namin ang aming gawain dito sa pamamagitan ng opening prayer at testimony ng bawat isa na nagpapahayag ng kabutihan ng Dios.

Pagkatapos ng mga testimony ay sinundan din ito ng mga pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios na pinangunahan ng dalawa sa aming mga youth na sina Jicel at Rose. Talagang napaka ganda sa pakiramdam na makapagbigay pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawa niyang pagmamahal sa ating mga buhay.

IMG_20220918_163750_423~3.jpg

Ngayon naman oras na upang makarinig ng mga Salita ng Dios at hindi ko inaasahan na ako pala ang magbabahagi sa fellowship namin ngayon. Hindi ako nakapaghanda pero salamat sa Dios dahil Siya mismo nag nag guide sa akin upang makapagbahagi ako ng mga words of encouragement sa pamamagitan ng mga Salita ng Dios. Sa Dios lamang talaga ako umaasa at ang lahat ng mga nalalaman ko ay galing sa kanya kung kaya Siya lamang ang nararapat na pasalamatan.

photocollage_2022104171748285.jpg

Mga nasa oras na 5:00 ng hapon kami natapos sa aming gawain dito sa Acmac at nagpapasalamat kami sa Dios dahil naging matagumpay at masaya kaming lahat. Meron din kaming kaunting na ihanda para sa aming snacks at pinagsalohan namin itong lahat.

Dahil nga sa medyo hapon na at malapit ng dumilim, napaga pasyahan namin na uuwi na din kami dahil meron din naman akong motor na sasakyan. Mga nasa 6:40 na din ako naka uwi sa amin ng ligtas at masaya dahil sa gawain namin sa araw na ito.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Always include your country tag among the list of your tags

 2 years ago 

Ok...thank you for reminding me...

TEAM 3 CURATORS

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator06.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @simonnwigwe

 2 years ago 

Ang layo na ng napuntahan mo pastor. Ganda talaga na magiging missionary

 2 years ago 

God bless Mel in all your endeavors! Specially in sharing the word of God.

 2 years ago 

ang sarap mabuhay na kasama si Lord bro.. samot na gina share jud ang good news of salvation ba

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63914.94
ETH 3312.82
USDT 1.00
SBD 3.92