My Actifit Report Card: October 11 2018

in #actifit6 years ago (edited)

Ang kwentong ito ay naibahagi ko n dati sa facebook pero sa wikang inggles at puno ng galit at halata ang depresyon na aking nadarama nang mga panahong iyon. Nais kong ibahagi rito sa Steemit ngunit sa wikang tagalog at walang bahid ng poot at lungkot.

Priority Lane

Anim na buwan na mula nang ako ay manganak ng mga panahong iyon. Ang oras ng uwian ko ay alas dose ng tanghali, ako ang ika nga ay "taga sara ng tindahan." Bahagyang umaambon nang tanggaling iyon ng Sabado kaya naman naging mas mahiral humanap ng taxi na masasakyan. (Wala pa akong Uber o Grab App noon.) Ilang taxi driver na ang tumanggi sa akin sa tuwing saaabihin ko ang aking pupuntahan. Makikipagkita ako sa isang kaibigang galing pa ng Estados Unidos dahil bitbit niya amg regalo nila para sa aking anak. Siguro ay naawa sa akin ang pangatlong taxi driver, isinakay niya na ako.

Habang nasa loob ng taxi ay tinanog ako ni kuya driver kung ilang buwan na raw ang tiyan ko. Mangyari kasi ay kahit ilang buwan na ang nakalipas mula nang manganak ako ay hindi bumabalik sa dati ang tiyan ko. Mukha pa rin akong buntis. Hindi naman ako masyadong nainis kay kuya driver dahil kung hindi dahil sa kanya ay malamang na naghahanap pa rin ako ng masasakyan. Mahinahon kong sinabi sa kanya na nakapanganak na ako. Pansin kong nabigla si kuya driver sa sinabi ko. Siguro ay napahiya rin siya kaya medyo natigilan siya. Nang makabawi siya ay nagbigay siya sa akin ng mga payo. Na dapat daq ay nag-girdle ako. Pwede ko rin daw balutin sa benda ang tiyan ko para bumalik sa dating hubog.

Naging matiwasay naman ang aming usapan. Nakarating ako nang maayos sa aking pupuntahan.

Nang nasa hotel na ako ay may mahabang pila ng mga bibisita. Wala namang problema sa akin dahil hindi ko naman binitbit ang laptop ko pauwi kaya magaang lang ang bag na dala ko. Maya mayang kaunti ay may lumapit sa akin. Sa hinuha ko ay manager ito ng hotel. Napakabait niya sa akin. Tinanong niya kung anong unit ang dadalawin ko at pinaupo niya ako. Ramdam ko nang pinagkamalan niya rin akong buntis. Hindi na ako nagpaliwanag. Hinayaan ko na lamang siyang tawagan ang aking kaibiga para rin makauwi na ako dahil aiguradong ngugutom na ang anak ko. Breastfed ang aking anak kaya nakasalalay pa sa akin ang kaniyang kabusugan ng mga panahong iyon.

Bumaba na ang aking kaibigan, nagkuwentuhan kami at maya maya pa ay nagpaalam na akong uuwi na.

Pauwi ay naisipan kong sumakay na lamang ng bus dahil malapit na rin naman ang terminal sa hotel. Bumili ako ng ticket at dumeretso na sa pila. Si manong guard na nag-inspeksiyon ng aking bag ay nagbilin sa akin na doon na raw ako pumunta sa unahan ng pila. Alam ko nang pinagkamalan niya rin akong buntis. Umoo lang ako pero dahil hindi naman talaga ako buntis ay pumila pa rin ako sa dulo. Ayokong abusuhin ang karapatang hindi naman nararapat sa akin. Habang ako'y nasa pila ay nilapitan ako ni kuya guard. Inakay niya ako papunta sa harapan. Pinigilan niya pa ang bus driver sa pagsara ng pinto dahil paalis na ito nang makarating kami sa harap. Inihabilin niya pang alalayan ako at bigyan ng mauupuan.

Noong mga panahong iyon ay hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak o maiinis. Hindi ako mataba noong bago ako nagbuntis at aktibong aktibo ako sa pagtakbo, pagsasayaw, boxing at kung anu-ano pang pisikal na gawain. Natigil ang lahat ng iyon noong nagdalangtao ako. Kaya naman dumoble at trumiple ang laki ng katawan ko pagkatapos kong manganak. Nagdaan ako sa depresyon nang dahil dito. Naging magagalitin ako. Agad agad akong napipikon kapag binibiro ako ng mga kaopisina ko.

Pilit kong ipinapaalala sa sarili ko na nagkaanak ako kaya naging ganito ang katawan ko. Mas gusto ko naman na nagka-baby ako. Dapat ay maging masaya ako. Pero talagang kinailangan kong pagdaanan ang depresyon.

Pero ngayon, natatawa na lang talaga ako kapag naaalala ko ang kwentong ito. Kaya na ng isip ko na tanggapin ang katotohanab. Kaya naman kinakaya na rin ng puso ko na maging masaya. At ngayon ay maluwag sa dibdib ko ang mga ginagawa kong pag-eehersisyo. Hindi ko na hinahangad ang dati kong kapayatan. Oo, paminsan minsan ay napapaisip akong gusto kong pumayat uli. Pero agad ko namang nababawi na mas mainam nang may kaunting taba. Para kapag magtaggutom, papayat muna ako at hindi mauunang matsugi. Hahaha.

Kaya sa mga katulad kong nanay, kung nararamdaman niyong ikinapapangit ninyo ang pisikal ninyong anyo, huwag. Hindi iyan totoo. Ang ating katawan ang pinakamagandang gawa ng Maykapal dahil ito ang nagdadala ng mga munting anghel na nagbibigay sa ating lahat ng kasiyahan at pagmamahal.

Hanggang sa muli!



9341
Dancing, House Chores, Jogging, Walking

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Congrats on providing Proof of Activity via your Actifit report!
You have accordingly been rewarded 43.625 AFIT tokens for your effort in reaching 9341 activity, as well as your user rank and report quality!
You also received an 4.24% upvote via @actifit account.
Actifit reward structure has changed recently, and the new rewards and upvotes are based on your:

  • User rank: which depends on your delegated SP, accumulated AFIT tokens, rewarded post count and recent rewarded activity.
  • Post score: which depends on your activity count, post content, post upvotes, quality comments, moderator review and user rank.
    To improve your user rank, delegate more, pile up more AFIT tokens, and post more.
    To improve your post score, get to the max activity count, work on improving your post content, improve your user rank, engage with the community to get more upvotes and quality comments.

rulersig2.jpg
Chat with us on discord | Visit our website
Download on playstore | Download on app store
FAQs | Text Tutorial | Video Tutorial

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.035
BTC 67073.39
ETH 3222.70
USDT 1.00
SBD 4.12