Pagmamahal ng isang kuya

in #bayanihan6 years ago

()

Lagi kaming nag aaway. Ang tindi nya kasi mang asar. Lagi nya akong inaagawan ng kendi at wafer stick. Yung ice cream ko pilit nyang dinidilaan kapag ubos na yung sa kanya. Kahapon binilan kami ni lolo ng tig isang lollipop. Hiniram nya saglit yung sa akin. Pagbalik nya nagtaka ako maliit na yung lollipop ko. Madalas din kapag nanonood ako ng cartoons, inililipat nya para lang paiyakin ako. Isang beses naubos na nya yung binili sa amin ni daddy na buko juice, humingi sya sa akin, eh hindi ko binigyan. Ayun pinaputok nya yung plastic kung saan nakalagay yung iniinom kong buko juice. Parehas tuloy kaming nahataw ni daddy sa binti ng suklay. Lagi nya ako inuunahan sa pagsagot sa telepono kapag tumatawag si mommy. Hindi nya din ako pinapahiram ng scooter nya. Akala ko binili yun ni mommy para hati kami. Pero di nya sa akin yun pinapagamit. Nagalit din si daddy kay kuya nung nakaraan kasi nagpapagaya daw sa pag tumbling sa sofa. Kaya pinalo uli sya ni daddy.

Ang kulit talaga kasi ni kuya.

qw.jpg

Pero love ko si kuya. Kasi pag pinapahiram kami ni mommy ng cellphone para manood sa Youtube, hinahayaan nya na hawakan ko para di ako umiyak.

hagdan.jpg

Nag eenjoy din ako pag maliligo kami ng sabay kasi naglalro kami ng ulan ulanan. Binubuhusan nya ng tubig ang ulo ko at nilalagyan nya pa minsan ng shampoo ang buhok ko.

ligo.jpg

Kahit inaagawan nya ako ng kendi, kapag kumakain naman kami ng French fries sinusubuan nya ako kaya sinusubuan ko din sya.

Publication1.jpg

Tinuturuan nya din ako ng ABC at 1234. Pati mga tunog at inglish ng mga hayop. Binubuhat nya din ako kapag may itinuturo sya sa bubong na pusa na may kinakaing daga. Hindi ko pa abot ang lababo kapag pinaghuhugas kami ni mommy ng kamay kay binubuhat nya ako para maabot ko.

20180409_075945.jpg

Kahit lagi nya ako pinapaiyak, kapag inaway naman ako ni Nathan sa labas, inaaway nya din si Nathan. Kaya sa huli pinapapasok nalang kami ni tita Marie. Lagi din kami naglalaro ng basketbol at kotse kotsehan. Inuuto man nya ako na sumayaw, nauuto ko naman sya na kumanta.

sd.jpg

Kahit na inuunahan nya ako lagi sa pagsakay sa motor ni daddy, hinahawakan naman nya ako lagi kapag nakasakay na ako at gumagala kami sa kanto.

gb.jpg

Hindi nya din ako tinutulak sa hagdan at lagi pa nya akong hinahawakan kasi yun ang utos ni daddy. Hindi nya din ako pinapahiram ng scooter kasi nya baby pa daw ako at di pa marunong. Baka daw bumagsak ako at mapilayan.

LOVE KO SI KUYA. masaya ako na kalaro sya. Ang sarap tumawa kapag nagpapatawa sya. Gustong gusto kong naglalaro kmi ng langit-lupa at taya tayan. Tiyak na sa paglaki namin, magtatakipan kami sa kalokohan. Kaming dalawa ang madalas magkakalaro ng basketbol. Alam ko din na sya ang unang magtatanggol sa akin kapag may nag bully sa akin sa school at tiyak tuturuan nya din ako sa mga assignments ko. Sabay din kami magsasayaw at kakanta. Hindi ako pababayaan ni kuya. Magiging magkakampi kami sa lahat ng bagay. Alam ko yun. Kasi LOVE DIN AKO NI KUYA.

kgv.jpg

Salamat po sa pagbasa ng aking ginawang artikulo. Sana ay napangiti ko po kayo. Ibinahagi ko lamang yung saya ko pag nakikita kong nagkukulitan ang aking dalawang anak na lalaki. Hehehe. Salamat po!

Thanks God! All for Your glory!

UPVOTE..RESTEEM..FOLLOW me @yo-mikhael

Sort:  

Ang kulit pala kapag dalawang lalaki ang anak, excited ako lumaki ang two li'l daughters ko. Siguro ganyan din sila kasi mapang asar din ang big sis niya.

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

thanks @arabsteem and @steemph.antipolo for the continous commends. Cheers!

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64647.16
ETH 3160.49
USDT 1.00
SBD 4.13