Araw ng mga Ina | Araw pa rin ng Labada

in #blog6 years ago (edited)

Ngayon ay araw ng mga ina. Pero dahil Linggo ngayon, ibig sabihin, araw din ng labada. Kaya ano pa nga ba? Pagkatapos kong namnamin ang pasobrang oras ng tulog na regalo ko sa sarili ko bilang ina, nagkape na ako agad at binuhat na ang labahin papunta sa gilid ng bahay namin.
Noong kaming dalawa pa lang ng asawa ko ang magkasama, kinukusot ko talaga ang paglalaba dahil bukod sa kaunti lang naman ang labahin namin - mga suot lang namin sa opisina at pambahay - nasasayangan ako sa pambayad sa laundry shop. Pero noong nanganak ako, nakakahiyang ipa-laundry ang mga lampin at mga nalagyan ng pupu ng anak ko. Hindi rin ako tiwala sa laba ng laundry shop kaya kabilin bilinan ko sa asawa ko noong bagong panganak lamang ako- siya mismo ang maglaba at gusto ko'y kukusutin niyang maigi. Kung hindi ay pipigain ko talaga siyang mainam.
Ang magaling ko namang asawa ay nuknukan din naman ng sipag (sarkasmo ito). Bumili siya ng automatic washing machine. Gusto ko sanang magalit pero nang makita ko naman din kasi ito, ako'y namangha at natuwa na rin. Kaya ipinakikilala ko sa inyo si Washie-wash: ang bespren ko pagdating sa labahan.
20180513_075037.jpg

Nakakatuwa naman talaga ang mga kakayanan ni Washiewash. Iisa-isahin ko para naman matuwa rin kayo.

  1. Una sa lahat ay ang kapasidad niya.

    • Pitong kilo. Ilang maong na rin yun na hindi ko na kakailanganing eskobahin. Lahat na ng pang itaas, pang ibaba at pang ilalim na isinuot namin nang isang linggo, swak na swak. Naisip din siguro ng asawa ko na kahit papaano, hindi na siya gagastos ng pampa-massage ko dahil hindi na sasakit ang mga braso at balikat ko. Wais na mister, di ba?
      20180513_075241.jpg
      Pero siyempre, hindi ko maaaring isabay ang mga kumot, kubre kama at tuwalya. May limitasyon din, mga kaibigan. Hindi yung sabak ka na lang nang sabak. Wag ganun. Atsaka mahirap din pag pinagsabay sabay. Wag din ganun. Tapusin mo muna yung isa bago ka kumuha ng isa pa. Pektusan kita eh.
  2. May pagpipilian kung paanong paraan niya lalabhan ang mga damit.

    • Oo, pwede mo siyang utusan na pambata yung mga damit na nakasalang. Pwede rin namang mahinahon na pagpapaikot lang ang gawin niya para sa mga maseselan na damit. Pwede rin namang yung Quick lang. Yung mabilisan lang, na bigla na lang mawawala nang walang paalam. Ako, ang pinipili ko lagi ay yung Strong. Gusto ko kasi yung malakas. Yung kaya ako ipagtanggol. Yung kaya ako ipaglaban. Yung alam kong di ako iiwan.
      20180513_075116.jpg
  3. Pwede mong italaga kung gaano karami niyang paiikutin ang pagbabanlaw.

    • Hindi gaya ng pagpapaikot sayo ng ex mo, si Washie-wash, pwede mong piliin kung ilang ikot lang ang gagawin niya. Kung ikaw yung tipo ng madali lang madala, isang ikot lang, tapos na agad. Ako lagi hanggang tatlo. May opsyon din na water cycle. Sa lampas isang taon naming pagsasama ni Washie, hindi ko pa iyan nagamit. May kutob ako na unli ikot ito eh. Ayoko ng ganun. Nakakapagod yun. Nakakasawa. Tama nang talong beses lang akong pinaikot ikot.
      20180513_075207.jpg
  4. Pwedeng mamili kung gaano katagal ang pagsasabon.

    • pwedeng mabilisan lang. Pwedeng matagal. Ikaw ang may hawak kung gaano katagal niyo paglalabanan ang pagtanggal ng dumi sa mga damit. Kung tingin mo saglit lang, okey na, pwede mo nang itigil at banlawan na agad. Anim na minuto lang ang binibigay ko kay Washie para magsabon. Para alam ko na agad kung may patutunguhan ang paglalaba namin.
      20180513_075151.jpg
  5. May mga pagpipilian kung gaano karaming tubig ang gusto mong ilagay

    • Kailangan alam mo kung ano ang susuungin mo para alam mo kung gaano karami ang kakailanganin mo. Pwedeng punong puno. Pwede rin namang kaunti lang. Hindi ka na kailangang mag igib. Kailangan mo na lang ng pasensiya dahil depende sa pinaghuhugutan ng tubig niyo, minsan mabagal magpuno ng tubig si Washie. Pero maghintay ka na lang. Hindi ka na nga nag effort eh. Paghihintay na lang ang hinihingi niya sayo, di mo pa ba makayanang ibigay?
      20180513_075219.jpg
  6. Kaya niyang magpatuyo ng damit at pwede mong piliin kung gaano katuyo ang gusto mo.

    • Pwedeng tuyong tuyo. Pwedeng medyo mamasa-masa pa. Depende sayo kung ano ang timpla mo. Este ng araw. Kung sobrang init ng araw ay pwede namang mamasa-masa lang. Kung ayaw mo lang talagang magpiga. Dahil minsan nakakasawa magpiga lalo na at wala ka namang nakukuhang matinong sagot. Ako laging tuyong tuyo ang gusto ko. Para saglit na lang ang hihintayin ko, tutupiin na ang mga damit.

Nakakamangha siya talaga, diba? Kahit kailan ay hindi pa ako binigo ni Washie. Lahat ng inaasahan ko sa kanya, naibigay naman niya. Buti pa siya.

Kaya kapag linggo, kahit ano pa mang okasyon ang meron, kaming dalawa ni Washie-wash hanggang tanghali. Hanggang tanghali lang talaga kasi pagdating ng hapon, oras ko na ng tiklupan yun. Siya nga pala, hindi kaya ni Washie na patuyuin nang tuyong tuyo ang damit mo. Ganoon talaga, may limitasyon din siya. May kakulangan. Kailangan mo na lang makuntento sa kug ano ang kaya nyang ibigay. Hindi yung maghahanap ka ng iba kasi may nakita kang hindi maganda sa kanya. Wag ganun.


Pagpasensiyahan niyo na at naipon na ang lahat ng hugot ko kaya ultimo ang washer ko ay napagdiskitahan ko. Hehe



Thank you for visiting my blog!


I am @romeskie and I love you all!



2123526103.gif

Sort:  

Happy Mother's Day @romeskie

Salamat @fotografia101

Sa iyo rin at sa iyong mama. :-)

Nagustuhan ko yung pang anim na kakayahan ni washie wash. Gusto ko ung medyo mamasa masa pa na damit haha

Haha. Ayus yang ngayon kasi medyo naglalagablab ang init... ng araw.. hahaha

Hindi ko naisip na nandyan pala si Washie-wash Isa kang taksil!

Nasa bahay ka lang namin nung nakaraan tapos ngayon dito ka pala naglalagi kapag Linggo, at talagang ini schedule mo pa kami. Ganyan ka Washie-wash di ka na nakuntento.

Hahah wala lang mema comment lang.

Haha. Guilty pala si Washie-wash sa mga hugot ko dito. Hahaha

omaygash! asong may pulgas!
nakuha moko sa mga hugot na ito. Buti pa si washie wash:

  • may limitasyon.
  • may bilang at alam natin kung ilan sya iikot
  • may pag galang at alam niyang pambata
  • may option na magpatuyo ng damit (means tinatapos a g labahin)
  • at mas nagustuhan ko ay ung strong yan .. yan! ang kailangan ko YUNG KAYA AKONG IPAGLABAN!

Atiiiihhhh i like the hugot nabuhay mo ang inaantok kong dugo!

magaling sis! 👏👏👏👏👏

Hahaha. Mahusay talaga yang strong na yan. Hahaha

Natutuwa naman ako na nagising ko ang iyong dugo. Parang kape lang. Hahaha

Congratulations @romeskie, your post have been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

If you would like to delegate to Best of PH you can do so by clicking on the following links.

100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

This is such an honor. Thank you for inspiring writers like me to always do our best in our every post! :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61041.41
ETH 2947.17
USDT 1.00
SBD 3.85