Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Bag ko, Dala-dala ko!

in #buhay6 years ago (edited)

Ang bag ko ay lagi kong dala sa aking balikat ito nakaalsa. Mahalaga ito sapagkat dahil dito ang maraming gamit ay napag.isa. Gano man kadami ang gusto mong dalhin ito'y maaring gamitin.
image
Ang mga laman nito ay aking ipagbigay alam sa inyo ng sa gayon ay malaman niyo.
Una - ROSARY ay lagi kong dala sapagkat kahit man magpunta siya'y lagi kong kasama at magsilbing gabay saan mang dako ako mapunta.
Pangalawa - PAYONG ay lagi kong dala, umulan man o umaaraw ay ako'y hindi mabahala sapagkat ito'y aking kasangga.Payong ko, payong mo halina't tayo'y magkasukob.
Pangatlo - WALLET ay lagi kong dala upang kung mayroon man ibig bilhin ay may makuha sa bulsa.
Pang-apat - TOWEL ay lagi kong dala sapagkat ako'y nglalakad patungo sa kalsada at ang likod ko'y nababasa. Para iwas sa sakit at hindi mabahala.
Pang-lima - PULBOS , LIPSTICK , SUKLAY
ay lagi kong dala upang maging presentable ang mukha at para ang makaharap ay masaya.
Pang-anim - I.D ay lagi kong dala sapagkat
ito'y hahanapin ng gwardiya.
At ito aking paalala , huwag makampanti sa bag na dala dahil maraming may masamang motibo na gumagala at ikaw ay hindi maabala.

Maliit man o malaki , madami man o kunti ang laman ng ating dalang bag ay hindi basehan kung ano ang estado natin sa buhay ang importante nito ay kung papaano mo ito dadalhin at saan mo ito dadalhin .
Sapagkat dala mo'y iyong pasanin at hindi lang ipagbigay pansin na iyong bag ay mamahalin.
Ang dapat ay maging mapagkumbaba sa kung anong meron tayo. Yun na lamang po mga kaibigan.

Mabuhay tayo mga ka @steemitdora!

Lubos na sumasainyo,
@wittyjov24

Narito ang Linggo paglalakbay:
Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon: Sa Simbahan ay magdasal upang magtaglay ng magandang asal.
https://steeming.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-sa-simbahan-ay-magdasal-upang-magtaglay-ng-magandang-asal-8193e651e2f4a

Sort:  

Ang bag ang pangunahin nating kasama sa tuwing tayo'y naglalakbay. 😀 Salamat sa pagbahagi ng iyong magandang bag. 😀

😄😄😄 ipagpaumanhin mo na ngkamali ako sa paglagay ng tag @steemitdora.

ganda bag sis:)
salamat at naki join ka.
mabuhay!!

Mumurahin lang @sunnylife.
Salamat😊

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63901.15
ETH 3133.40
USDT 1.00
SBD 4.05