Ako'y Raider, Ako'y Walang Disiplina at Iresponsable!

in #busy6 years ago

20180607_125489.jpg

Raider ako!
Ako ang hari ng kalsada.
Tambutso ko'y papaingayin ko.
Bahala kayong mabulabog sa gabi't araw.


Raider ako!
Bibilisan ko ang patakbo sa tawiran.
Sasakupin ko ang bangketang nakalaan sa mga naglalakad
Bubusinahan ko't sasagihan ang matandang naglalakad.


Raider ako!
Dapat ako lage ang nasa unahan.
Wala akong pakialam sa ibang motoristang nasa likod.
Ako'y sisingit kung saan saan.


Raider ako!
Sa kalsada'y walang disiplina.
Iresponsable.
At mayabang.
Ikaw raider ka rin ba?


Ang tulang ito ay aking iniaalay sa mga motoristang walang disiplina. Hindi ako tutol sa mga naka motor, dahil ako at ang aking kapatid ay nahilig din mag motor.

Masakit tanggapin, na ang karamihan sa mga raider ng motor ay walang disiplina sa sarili at walang galang sa ibang tao.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 62187.20
ETH 3051.46
USDT 1.00
SBD 3.79