C² Pilipinas Curation | Tampok Sina @thedudebroguy at @pjcorts [Filipino Language]

in #curation5 years ago

C Squared Logo Transparency wide.png

C2 Pilipinas | @thedudebroguy at @pjcorts

Magandang araw! Nagbabalik muli ang ating lingguhang pagtatampok ng mga mahuhusay na Pinoy Steemians.

Nakatutuwa na marami tayong mga kababayan na patuloy pa rin na gumagawa ng mga da-kalidad na akda. Kilalanin natin ang dalawa sa mga namataan kong talentadong Pinoys.

.•:¨¨:•. .•:¨¨:•.

@pjcorts

Gusto mo bang magbakasyon? Silipin mo itong mga iminumungkahi ni PeeJay na mga lugar sa Mindanao.

4 Must Go-Places in Northern Mindanao

image

Kung iyong titingnan sa kantang introduceyourself post, mahihinuha mong masayahing tao si PeeJay, kita sa mga ngiti niya sa bawat larawan na kaniyang ibinabahagi.

Isa sa mga nagustuhan ko sa kanyang blog ay ang pagbabahagi niya hindi lamang ng mga adventures nya kundi pati na rin ng mga tips para maging mas matiwasay ang inyong pamamasyal. Kapansin pansin din na mahilig siyang magmuni-muni tungkol sa buhay ayon sa mga quotes na pinagninilayan niya sa ilan niyang mga post. Ang pinakahuling ibinahagi niyang quote ay tila sumasalamin sa kanyang pinagdadaanan. Kaya mo yan @pjcorts. Kapit lang. 🤗

.•:¨¨:•. .•:¨¨:•.

@thedudebroguy

Isa sa mga mahuhusay na artist sa platform si @thedudebroguy. Simula't sap pa lang sa kanyang introduceyourself post ay ipinamalas niya na ang husay niya sa pag drawing ng cartoons.

Itong pinakahuling comic strip na gawa niya ay talaga namang mapapatawa ka.

image

Character Design Process

Sa bawat post niya, bukod sa ipinapamalas niya ang kanyang talenti ay ikinukuwento niya rin ang pinaghugutan at inspirasyon, maging ang pinagmulang imahinasyon ng kanyang likha. Nagbibigay din siya ng mga tips lara sa mga baguhang artists. Baka isa sa mga araw na ito ay magpinta na rin ako ng mga comics. 🤣😅

.•:¨¨:•. .•:¨¨:•.

Sa susunod na linggo ay abangan ninyong muli ang curation natin para mga kahanga hangang Pinoy Steemians.

Hanggang sa muli!

@romeskie

Ang mga larawan ay mula sa mga post ng mga itinampok na manunulat.

Ang rewards ng post na ito ay mapupunta sa may akda at sa mga itinanghal na awtor/artist.

The payouts for this post will be evenly split between the author (50%) and the featured authors/artists (25% each) (including liquid Steem matching the SP portion).

Sort:  

This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

@thedudebroguy cool naman ng story mo dito bruh, sabi sayo may aptitude ka for comics.

tebrik ederim:)

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64961.60
ETH 3103.64
USDT 1.00
SBD 3.86