Anong Nangyari Sa Akin Ngayong Araw? Series #2

in #diary5 years ago

Magandang Araw Steemians! Ang sulat na ito ay galing sa aking kapatid na nag-aaral ngayon sa ikawalong baitang. Nais kong mapahubog ang kanyang pamamaraan ng pagsulat sa pamamagitan ng pagsalaysay sa mga nangyari sa kanya buong araw at ang kapalit ay sa kanya ang rewards ng post na ito. Magandang "positive reinforcement" diba? Diary niya ito kumbaga.

Post 2.png

Nung gumising ako alas 9:00 na ng umaga agad akong kumain ng aking almusal. Pagkatapos kong kumain ng almusal ay naligo ako. Pagkatapos ko namang maligo ay agad akong nagsoot ng aking uniporme. Pagkatapos ko namang masoot ang aking uniporme ay agad akong humingi ng baon sa aking inay.

Sumakay agad ako ng tricycle papuntang paaralan. Pagdating ko sa paaralan, ay agad akong nakipagkwentuhan sa aking mga kaibigan at pagkatapos ng masayang kwentuhan ay dumating naman ang aming guro na si Mr. Dina Q. Munez upang turuan kami ng math.

Pagkatapos niyang magturo ay agad din kaming binigyan ng pasulit. Pagkatapos ng pasulit ay nagtanghalian na agad kami ng sabay ng aking mga kaibigan. Masaya kaming kumakain at pagkatapos nun ay agad kaming nagpahinga. Pumasok na ang aming guro na si Ms. Leah Jumao-as at nakinig kami sa kanyang tinuro sa amin. Pagkatapos niyang magturo ay agad siyang nagbigay ng takdang aralin.

Nung matapos ang klase agad akong sumakay ng motor pauwi sa aming bahay. Pagkauwi ko sa amin, ay agad kong ginawa ang aking takdan aralin. Nilabhan ko ang aking uniporme at nagpahinga na pagkatapos. Tinulungan ko naman si inay sa mga gawaing bahay.

Pinagawa ito sa akin ng aking kuya pagkatapos ay binibigyan niya ako ng 50 pesos para may pambaon ako bukas sa pag-aaral. Nais niya din kasing magsipag ako sa pag-aaral at pagsulat. Ang saya ko nang binigyan nya ako pagkatapos kong matapos ang sulat na ito.

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 63202.55
ETH 3085.17
USDT 1.00
SBD 3.85