"PAGPAPATAWAD"(My Filipino Poetry)

in #esteem6 years ago (edited)

image
Pinagkuhanan ng litrato


"PAGPAPATAWAD"
Katha ni:@blessedsteemer
🙏


Maraming yugto sa buhay natin ang dumarating,
Mga bagay na madali lang kung isipin.
Subalit kung ito'y mangyari na at dumating,
Ito pala ay napakahirap gawin
.


Salitang "pagpapatawad" ay napakadaling sabihin,
Ngunit napakabigat sundin sa mga mapagamataas na damdamin.
Ang kailangan ay pusong mapagpakumbaba,
Upang ang "pagpapatawad" ay ating magawa
.


Lahat ng bagay na mabubuting ginawa mo,
Magiging walang katuturan at mababalewala ito.
Hangga't may hinanakit at galit sa puso mo,
Masasayang lang lahat ang iyong sakripisyo
.


Ang "pagpatawad" ay gawin at sa puso ay itanim,
Dahil ang Diyos ay pinatawad ka rin.
Sapagkat tayong lahat ay makasalanan din,
Kaya ang puso natin ay huwag patigasin
.


Kaya bilang isang kristiyano na binago na ang puso,
Wala nang puwang ang poot na ito.
Naalala mo pa ba,ang itunuro sa atin na panalanging "Ama namin"?
"Patawarin mo kami sa aming mga sala, ganun din sa mga nagkasala sa amin
".


O'"pagpapatawad" ikaw ba ay mahirap gawin?
O sadyang ayaw lang talaga natin sundin.
Subalit ito lang ang aking sasabihin,
Lahat ng ginawa natin dito sa lupa, sa langit ay ipagsusulit natin
.


Maraming salamat po sa oras ng inyong pagbasa at sana po po ay nagustuhan nyo ang aking munting tula. At sana kinapulutan po natin ang aking katha na ito. Maraming salamat po! At mabuhay po tayo!
Hanggang sa muli.

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


image

image

image


Vote my witness: @good-karma; @steemgigs; @cloh76 ; @precise and @ausbitbank

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64275.05
ETH 3147.49
USDT 1.00
SBD 4.29