Huling Byahe ni Gloria

in #fiction6 years ago

Si Gloria ay regular na pasahero ng Victory Star Bus na pabyaheng Maynila mula sa Naga City. Siya ay may business na buy and sell, kaya ilang beses sa isang linggo siya pumupunta doon. Kilalang kilala na siya ng mga driver at konduktor sa naturang bus station.

Isang araw, ang lola mo ay pabiyahe ulit papuntang Maynila.

"Oscar, pakitulungan naman ako sa bagahe ko! Kitang kita mo naman na may dala-dala ako!" ani ni Gloria kay Oscar, kilalang konduktor ng Victory Star Bus.

Tinulungan naman siya ni Oscar na nakasimangot dahil sa pagkamahadera ni tandang Gloria. Ang lola mo pala ay 50 anyos na. Pero kung umasta ay parang tinedyer pa ang lola mo. Pagkadami-daming burloloy na nakasabit sa kulubot na leeg. Ang lipstick ay napakakapal na mala-Bella Flores. Ang totoo, ay may gusto ang lola mo kay Oscar na matipuno, at may 8-pack na abs. Kaya kahit sinumang mababae ay magkakagusto sa kanya, pero talo sila ni Gloria na parang magnet kung makadikit kay Oscar. Nagmumurang kamatis ang lola mo. Kaya niya lagi tinatawag si Oscar na tumulong sa kanya para lang mag-tsansing. Aba! Ang thunder na ng lola mo, kung umasta parang millenial!


Source: 8list.ph and Bench / lifestyle + clothing FB page

Sumakay si Gloria sa bus na nagpapaypay na parang donya.

"Mas maganda ka pa sa umaga Donya Gloria" sambit ng driver na si Shawn na halatang nambobola lang.

"Salamat Shawn" tugon ng nakangiting so Gloria na parang kinikiliti ang mga tenga kapag binobola.

Pagkaupo sa kanyang upuan, ay nilabas ni Gloria ang kanyang make-up kit at ito'y nagmake-up nang kay kapal na parang pintados na ang mukha. Maya-maya, may sumakay sa bus.

"Oh la amiga, Gloria" sabi ng isang babaeng nagngangalang Roberta. Si Roberta ay isa sa mga kaibigan ni Gloria, may asawa at anak, pero ang totoo ay may pagkamahadera rin na parang si Gloria at nakikipagplastikan lang sa isa't isa.

Nakipagbeso naman si Gloria na tila tumataas ang mga kilay habang nagdikit ang kanipang mukha.

"Dito ako uupo sa kabila ha" sabi ni Roberta.

"Okay amiga!" sagot naman ng taas-kilay na si Gloria.

Nagsidatingan na ang mga pasahero. May mag-asawang matanda, isang pilay, mayroon ding pipi, at marami pang iba.

"Aalis na po tayo!" sambit ng konduktor na si Oscar.

Maya-maya, nakaalis na nga ang bus mula sa terminal. Habang bumabyahe, ang mata ni Gloria ay tumitingin sa bawat pasahero. Napatingin siya sa mag-asawang matanda na nagsusubuan ng pagkain.

"Ano ba tong dalawang tandang to! Pagkatanda-tanda na feeling Kathniel kung maglampungan!" habang nagsasalita ang utak ni Gloria.

Nahuli ng matandang babae na nakatingin si Gloria na nakataas ang kilay sa kanya.

"Hoy! Babaeng mukhang espasol! Bakit ka nakatingin sa min aber? Inggit ka no? Dahil wala kang boyfriend?" sabi ng isa ring mahaderang lola.

"Excuse me! Hindi ko kelangan ang boyfriend! Dahil mga lalaki ang naghahabol sa akin!" pasigaw na sagot ni Gloria.

Narinig ni Oscar ang sinabi ni Gloria at umasta ito na parang nasusuka. Nagtawanan naman ang mga pasahero na tila nanood ng komedyang pelikula sa sinehan. Napasimangot ang lola mo, at kinuha na lamang ang cellphone para kunwaring may itetext siya.

Naglaro na lamang ng Candy Crush ang lola mo. Alam na. Karamihan na naglalaro nyan ngayon ay mga may edad na. Lol!

Maya-maya huminto ang sasakyan dahil may pumara. Ang dalawang matanda na kung maka-PDA ay wagas.

"Buti naman bumaba na mga mahaharot na gurang", sabi ni Gloria sa sarili. Feeling bata talaga tong si Gloria.

Biglang nagutom si Gloria at nilabas niya ang kaniyang SkyFlakes. Alam na, pampawid gutom talaga ang SkyFlakes. Isama mo na rin ang Magic Flakes at Rebisco Crackers na mas nakakabusog dahil sa laki. Habang kumakain ay nilabas ni Gloria ang kaniyang tubig na Absolute.

Source: SkyFlakes FB Page

Huminto ang bus dahil may pumara, at ito ay sumakay sa bandang harapan ng upuan ni Gloria. Namukhaan ni Gloria ang babaeng sumakay. Ito ay si Lucrecia na asawa ng kaniyang kliyente sa iba pang negosyo.

"Kilala ko to ha, si Lukring!" habang kinakausap ang sarili. At itinago ng lola mo ang kaniyang malditang mukha.

*"May sasakyan naman silang mag-asawa na Montero, bakit di siya nagpahatid sa kanyang hubby?" habang nagsasalita ang utak niya.

Maya-maya, may biglang tinawagan si Lucrecia.

"Hello, lovey doves. Miss na kita. Malapit na tayo magkita ulit"

Narinig ni Gloria ang usapan ni Lucrecia at ng kaniyang kausap. Nabigla siya at biglang nilapit ang tainga sa likod ng upuan ni Lucrecia. Nakaramdam si Lukring, at sabi niya sa kanyang kausap,
"Wait lovey doves, dahil may nakikinig na tsismosa sa likod ko."

Nabigla ang tsismosang Gloria at biglang inayos ang kaniyang upo. Sinilip ni Lukring kung sino ang nasa likod nito, at nakita niyang si Gloria.

"Gloring?"

"Don't call me Gloring. Call me Gloria."

Napataas ang kilay ni Lucrecia, at umayos na lang sa upuan niya. Gabi na ng umabot ang bus sa may bulubundukin. Napadaan si Oscar sa upuan ni Gloria.

"Musta ka na pogi?"

"Huminto ka gurang! Di kita magugustuhan!"

Nainis ang lola mo! Ayaw na ayaw ni Gloria na tawagin siyang gurang. Kaya hinampas ni Gloria si Oscar ng bag niya. Biglang naibato ni Oscar ang puncher ng ticket sa driver na tinamaan sa ulo. Napatingin sa likod ang driver at di nakita ang bangin. Dumiretso ang ang bus sa bangin, at nagising ang karamihan ng pasahero habang si Gloria ay napahalik kay Oscar.

Blag!!! Blag!!! Blag!!!

Maya-maya, ang tanging narinig na lang sa bus ay ang nagsasalita sa TV na kung saan nagsasalita si Noli Enriquez.
"25 katao, kasama ang driver at konduktor, patay matapos mahulog ang bus sa bangin. Nasa lugar ng aksidente, kausapin natin si Michael Cabilisan nag-uulat para sa 24 Patrol"

Oo. Ito na nga ang huling byahe ni Gloria, at kaniyang una at huling halik sa crush niyang si Oscar.

steemit-border

Ito ay kauna-unahan kong isinulat na fiction dito sa Steemit. Ang hirap pala, pero sana ito ay maging daan para makasulat pa sa hinaharap.

steemit-border


Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.


Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.

steemit-border

Do you use eSteem?
eSteem is a Mobile📱& PC💻 app. for Steem with great features. Also, you get Incentives posting through eSteem apps.

eSteem Spotlight; eSteem provides rewards for it top users in Leader Board with most Posts, Comments and Highest Earners.

Download eSteem for your Mobile📱
Android devices Google Play Store
IOS devices Apple Store

Download eSteem Surfer for your PC💻
Available for all OS Github


Join eSteem Discord https://discord.gg/UrTnddT

Join eSteem Telegram http://t.me/esteemapp

steemit-border

Please vote
for @good-karma as a witness.

steemit-border

image
image
image
IYANPOL12 (1).gif
iyan-1.png

Sort:  

Nyahhaha.. natawa naman ako sa istorya nyhahahaha....

whaaaaa @iyanpol..I beg to disagree! 50 is a new 40 wala pang kulubot yun bro! grabe talaga yan imahinasyon mo...natutuwa ako sa paksa ng istorya mo at nakakbaliw ang mga panauhin...hahaha..di lang tsismosa, mahadera, maarte si aling GLO! pero nakakatuwa at nakakabaliw ang karakter niya! looking forward to another tummy rocking story bro...GALING!

Si Oscar ang may kasalanan kaya ako namatay haha. Pwedeng pwede ito boss Iyan mapagmahal hehe. Yung reporter manyakis bwahahaha.

Gurang kasi si gloria. Hahaha

hahahhaha. napukaw ako ng istorya na to hahaha. ayos

sir astig ang post mo ahaha.. nice job

ang saya
may naalala akong karaketer na mahaba ang baba mukhang mala-Glroia sya pagtanda.
Perstaym mo ba talaga boss @iyanpol12?
parang matagal mo ng ginagawa!
ituloy nyo lang po at sumali po kayo sa amin sa @tagalogserye para every week may isa kayong fiction story :) :) :)
cheers

Perstaym at matagal ginawa. Nyahaha!
Teka, si mildred ba yan? Haha

Ang ganda nito boss @iyanpol12. Hahaha. At least nakahalik siya kay oscar. Ano naman kaya ang naramdaman ni Oscar sa halik ni aling Gloring? Hahahah

Wala eh. Nauna siyang natsugi eh. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64507.66
ETH 3080.07
USDT 1.00
SBD 3.85