"Kagipitan"- My filipino poetry.

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

image
Pinagkuhanan ng larawan


"Kagipitan"
Orihinal na katha ni: Marigen aka @greatwarrior79


Kalagayang nararanasan ng sinuman,
Dito sa mundong ating ginagalawan.
Ang iba'y gumagawa ng solusyon sa mabuting paraan,
Subalit ang iba ay kumakapit sa kasamaan
.


Laganap ang salitang ito sa buong mundo,
Kahit ang mga matatalino't mayaman ay napagdadaanan ito.
Kahit anuman ang kalagayan mo,
Kagipitan ay walang sinasanto
.


Kapit sa patalim ang kadalasan ay ginagawa,
Upang matugunan ang kumakalam na sikmura.
Kabutihan sa puso ay unti unting naglalaho,
Dahil sa kagipitan,isipan natin ay nagbabago
.


O'kagipitan ikaw ba ay sadya?
At bakit ka pinapahintulutan ng Lumikha.
Bakit maraming taong buhay ay napapasama?
Dahil sayo,buhay ng marami ay napapariwara
!


Ngunit sa huli ay aking napagtanto,
Kagipitan ay nangyayari sa buhay ng bawat tao.
Upang tayo ay matutong tumawag,magpakumbaba at manalangin,
Sa Diyos na mapagmahal,na nagpahiram ng buhay sa atin
!


Salamat po sa inyong pagbasa sa aking munting tula. At sana nagustuhan nyo po ang mensahe ng aking akda. Mabuhay po ang lahat ng manunulang pilipino! Salamat ng marami!😊

Ang inyong simpleng manunula;
Marigen aka @greatwarrior79


image

image

image

image


Vote my witness: @good-karma; @cloh76.witness; @steemgigs ; @ausbitbank and @precise

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

image

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 61585.79
ETH 3005.19
USDT 1.00
SBD 3.68