"KASALANAN"(my simple filipino poetry)

flame-2425438__480.jpg
Pinagkahunan ng litrato


"KASALANAN"
Katha ni :Marigen aka. @greatwarrior79


Salitang "kasalanan" ay nagmula kay eba at adan,
Ang bagay na ito ay kinamumuhian ng karamihan.
Ngunit patuloy na ginagawa ng sangkatauhan,
Dahil ang rason nila na tayo ay tao lamang
.


Ang gawaing ito sa mundo ay parang nakasanayan,
Pilit iniiwasan ng iba,ngunit ang iba ay patuloy sa kamunduhan.
Laging sinusunod ang tawag ng laman,
Kaysa magsumikap patungo sa kabanalan
.


Ang iba'y pinagpipilitan ang kanilang pagmamahalan,
Kahit ang bawat isa ay mayroon ng pananagutan.
Mas sinusunod nila ang kanilang emosyon kaysa sa kanilang kaisipan,
Na alam naman nilang mali ang kanilang ipinaglalaban
.


'O kasalanan, ano bang kapangyarihan mayroon ka?
Bakit maraming tao na ikaw ay ginagawa.
Kahit nga ilang matatag sa kanilang pananampalataya,
Minsan sayo ay iyong nadadaya
.


Sadya bang kayhirap mong iwasan?
O mahina lang talaga ang lupang katawan.
Kapag udyok na ng laman ang umiral,
Bakit pati banal sayo'y nagiging hangal
.


Ngunit sa bandang huli ito ang ating tatandaan,
Lahat ng ginagawa sa lihim o hayag man.
Kung kasalanan man ito o kabanalan,
Ipagsusulit natin ito lahat sa kalangitan
.


Maraming salamat po sa pagbasa ng aking munting tula,at sana po ay nagustuhan nyo po ang aking tema sa tula ko at sana kapulutan po ng aral itong aking katha. At sana suportahan po natin ang lahat ng gumagawa ng tula.😊 Mabuhay po tayong lahat mga kababayan!😊👍

Nagmamahal;
Marigen aka. @greatwarrior79


greatwarrior79.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs. Thank you!

DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

Sort:  

Napakarami pong tao ang gumagawa ng kasalanan na hindi nila naiisip ang parusa na matatanggap nila kapag sila ay nahuli. At hanggat hindi po sila nahuhuli ay hindi rin po sila tumitigil sa paggawa ng kasalanan. Napakalalim po ng mensahe na naibahagi ninyo @greatwarrior79

Maraming salamat po mam @lingling-ph!😊 At salamat po sa oras ng pagbasa nyo po sa aking simpleng tula.😊 God bless us all po!😇


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Maraming salamat po sa inyong walang pagsuporta sa mga katha kong tula.😊 At pag iigihan ko ang paggawa ng magandang tula na hango sa aking karanasan at kaibuturan ng aking puso. Sa muli maraming salamat po.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64029.44
ETH 3157.04
USDT 1.00
SBD 4.02