Filipino Poetry : " _______________ ni jennybeans"

writing-1209121_1280.jpg
Pixabay

_______________
ni jennybeans

Sa tuwing humahalik ang panulat ko sa papel na ginamit
Ikaw at ikaw ang nakikita ko sa bawat linyang nakaukit
Mga memorya na kasama ka ay nanunumbalik
At tila ba ako na naman sayo'y nanabik

Ang bawat saknong ay tungkol sa ating dalawa
Magmula noong ikaw ay nanliligaw pa
Hanggang sa ika'y humanap na ng iba
Oo, isang mapait na alaala diba?

Kaya paano ako makakapagsulat ng matino
Kung luha ko'y walang pakundangan ang pagtulo
Mga nakasulat sa papel dati'y klarong-klaro
Pero heto, halos basang-basa na't sobrang labo

Paano ba to?
Kay ganda pa naman ng tulang ginawa ko
Ang bida ay walang iba kundi ikaw at ako
Subalit karakter sa tula ay biglang nagbago

Tinititigan ko nang matagal ang bawat letra ng tula
Na para bang nakikipagtitigan ako sa yong mga mata
Nagtatanong kung bakit ka nawala bigla
Nawala na parang isang bula



Walang titulo ang tulang ito kaya blangko. Wala talaga akong maisip hehehe..



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif



Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Maganda po at madamdamin ang inyong nagawang tula subalit hindi nabigyan ng makatarungan na titulo. Maaari po natin gawan ng patimpalak ito sis @jennybeans upang mabigyan ng magandang titulo.

Salamat sis @lingling-ph pero mukhang nakakahiya naman atang magpatimpalak para sa titulo ng tula ko hehehe .. Baka may maisip ka sis, ikaw na lang ang magbigay ng titulo... :)

Isa ako sa iyong mga tagahanga ❤️

This comment was made from https://ulogs.org

Isa rin ako sa iyong tagahanga sis.. Isa kang mabuting kaibigan, ina at asawa... Magaling na manunulat din, di lang sa sariling wika maging sa mga dayuhang wika rin.. God bless you sis... <3


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64359.90
ETH 3105.50
USDT 1.00
SBD 3.87