#Ulog Filipino Poetry: "BIBITAWAN NA KITA"

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

photo-5-e1359318654713-1024x455.jpg

Image source: http://radicallychristian.com/when-is-it-time-to-give-up

Hindi mo na kailangang mamili pa sa aming dalawa.
Alam kong siya ang dahilan ng iyong pagtawa.
Kaya ititigil ko na ang palagi kong ginagawa.
Sapagkat pagod na akong magmakaawa.
Wala na rin akong lakas upang patuloy na lumaban.
Ang puso'y sugatan at luhaan.
Bagamat higit akong nahihirapan.
Sa tuwing ika'y nasasaktan.

Dapat pa ba kitang isipin?
O dapat na siguro kitang kalimutan.
Dapat pa ba kitang hintayin?
O dapat na siguro kitang iwasan.
At dapat pa ba kitang ibigin?
O dapat na siguro kitang bitawan.
Dahil hindi ako ang nilalaman ng iyong damdamin.

Mahal,
Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong sumugal.
Hindi ko na rin alam kung kaya ko pang magtagal.
Ang alam ko lang,ika'y aking minahal.
Kaya siguro kahit ubos na,patuloy parin sa pagsugal.
At nagagawa ko paring maghintay gaano man katagal.

Ngunit patawad,mahal ko.
Hindi ko na kayang manatili pa sa tabi mo.
Ayoko nang maniwala sa bagay na hindi totoo.
Sapat na sigurong hanggang magkaibigan nalang si ikaw at ako.
Tanggap ko nang hindi magkakaroon ng "tayo"

Huwag kanang mag-alala-
Hindi na ako muling aasa pa sayo.
Huwag kanang mamili pa-
Hindi na ako muling maggugulo pa sainyo.

Sa muli nating pagkikita-
Paalam na mahal ko..

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64999.89
ETH 3101.81
USDT 1.00
SBD 3.87