BAKA NAMAN : ISANG TULA

image
Photo Credit

Ako'y nahulog sa mga matatamis mong salita,
Minahal ko bawat galaw na iyong ginagawa.
Ikaw lang sa palaisipan ko'y gumugulo,
Mga araw at gabi ko'y iyong binubuo.

Ikaw lang ang bagay na siya ring aking mundo,
Sa bawat oras ko ikaw ang syang kumukumpleto.
Na sa buhay ko'y para bang isang rekado,
Na nagbibigay kulay sa matamlay na ako.

Bagaman araw ay lumilipas,
Katulad ng larawang kumukupas.
Pag-ibig mo'y sa huli ay nagwakas,
Sa mga kadenang ito ay biglang nagpumiglas.

Anong sangkap ito na siyang sumira,
Sa masasarap na putahe na ay bibihira.
Mga bagay na ginawa kahit pa sa hirap,
Ay siyang masisira na lamang ng bigla.

Hindi kaya'y kinulang lang sa timpla?
O nasobrahan lang din ng alat sa pagnanasa?
O baka naman halintulad sa ibang putaheng pinapanis pagdating ng panahon,
BAKA NAMAN!

Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @bayanihan, @teardrops and also @purepinay. VOTE @steemgigs as your witness!

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70351.33
ETH 3563.43
USDT 1.00
SBD 4.72