"MAGKAIBANG MUNDO" : ISANG TULA

image
Photo Credit

Ikaw ay nasa libro,
Ako naman ay nandito sa totoong mundo.
Na kahit anopa ang gawin ko,
Ay mukhang hindi talaga tayo magtatagpo.

Akalain mo nga naman na ikaw ay matatagpuan sa isang silid-aklatan,
Kung saan ito lang ang lagi kong tambayan.
Tuwing gusto kong tumakas sa totoo at masaklap na mundo,
Ang mahawakan ang iyong mga kamay kahit ito pa ang una o kahi pa huli.
Ang maramdaman ang tibok ng iyong puso na hinding hindi ko malilimutan.

Ang makita ka lang na masaya sa piling ko,
Kahit isang saglit at kahit isang beses lang.
Na kahit ito ang una at huling pagkikita

Sa iyong mundo na ang laman ay puro kasiyahan,
Habang ang aking mindo naman ay puro kasakiman.
Na laging may kapalit ang lahat ng kabaitan.

Sa aking paglalakad ako'y napatakbo papalayo,
Hinawakan ang libro at kasabay ay ang pag-agos ng aking mga luha.

Tanggap ko ang makita ka lang sa panaginip ko,
Tanggap ko na hindi ka talaga magkakatotoo.
Tanggap ko na hanggang sa pantasya na lamang kita,
Na kahit kailan tayong dalawa ay di talaga magtatagpo.

Dahil nga magkaiba ang ating mundo.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @bayanihan, @teardrops and also @purepinay. VOTE @steemgigs as your witness!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64999.89
ETH 3101.81
USDT 1.00
SBD 3.87