filipino-poetry

IMG_20180607_170717.jpg

"HABAGAT"

Malakas na hangin ang dala.
Inaalon ang dagat na mapayapa.
Mga isda sa dagat ay naabala.
At mga mangingisda ay walang kuha.

Habagat, tumigil kana.
Mga tao'y gustong kumain ng isda.
Pano na kaming sa dagat umaasa.
Dito nakaka hanap ng pera.

Naapektohan ang hanap buhay.
Mga isda minsan namamatay.
Ibang yamang dagat ay nalalagas.
Katulad ng mga buhay na nakakalas.

Ngunit kailangan naming pumalaot.
Isinisantabi kahit kami ay takot.
Pamilya ay kailangang kumain.
Ang gutom ay hindi kayang tiisin.

Hindi na kami makapag hintay ng Agosto.
Para matapos ang along ito.
Mag ingat nalang sa pag punta sa dagat.
Kesa ang buhay ay maging maalat.

Sana'y nalibang kayo sa simpleng tula na hango sa naranasan namin ngayon

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63901.15
ETH 3133.40
USDT 1.00
SBD 4.05