filipino-poetry

IMG_4024.JPG

"TOTOY"

Totoy halika at kumain na.
May dalang tinapay si kuya.
Pag pasensyahan muna kung medyo panis na.
Hiningi ko lang to kina Aling Nena.

Wag kanang umiyak kong tayo lang dalawa.
Mabubuhay tayo basta't magkasama.
Umiwas ka lang sa ibang bata dyan.
Hindi ko gusto ang ginagawa nila riyan.

Bukas maghahanap ako ng trabaho para makakain ka ng masarap.
Hindi tayo gagaya sakanila na usok ang nilalanghap.
Hihirap lang lalo ang buhay natin dyan.
Sa pagdating ng araw tayo rin ay masasaktan.

Totoy lumaki ka na tayo lang dalawa.
Ngunit bakit parang hindi muna ako kilala.
Nang umuwi ako tulog ka.
Nang natulog ako umalis ka.

Natakot ako kung ano ang 'yong ginagawa.
Sinundan kita at nalaman kong mga adik ang 'yong mga kasama.
Nilapitan kita at ikaw ay aking pina uwi.
Pero bakit nagalit ka imbes na ngumiti.

Totoy sabi mo wala na tayong ibang mapupuntahan.
Kasi imbes na mag-aral ka andito ka sa lansangan.
Labis akong nasaktan at napaluha.
Wala akong silbi bilang isang kuya.

Hindi kana nakikinig sa'kin simula noon.
Umaalis kana ng buong mag hapon.
Hinanap kita nang akala'y andoon ka.
Ngunit nakita kita tumatakbo, hinahabol nila.

Hinuli ka ng pulis dahil sa druga.
Nakulong at 'di ko lam kung ako'y may magagawa.
Totoy bakit mo to pinasokan.
Ilang beses naman kita pinagsabihan.

Mabuti nalang siguro na andyan ka sa bahay amponan.
Para makakain kana lagi ng haponan.
At maiwas kana sa maruming mundo na dulot ay kapahamakan.
Bibisitahin nalang kita araw-araw o buwan-buwan.

Sort:  

Hi, i think its best when u include links to other places where u share the same content.

Also to avoid the system detecting, u should share it here first, and then else where after a few hours/days.

For now this has already been done, theres no way u will bring back this, unless the person who flagged u removes the flag.

Take it a tough lesson and move on, most importantly learn from it.

ahhh, okay, thanks for your words, its just so discouraging that it hurts me. Yeah, just move on. thank you again

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66772.03
ETH 3237.54
USDT 1.00
SBD 4.25