filipino-poetry

IMG_20180608_085009.jpg

"MANGINGISDA"

Pangalawang tahanan ko ang dagat.
Iniinum ko to minsan kahit maalat.
Sa yamang dagat ako nabubuhay.
Sa "baroto" ako sumasakay.

Mapayapa man o maalon.
Dito ko iginugugol ang panahon.
May huli man o wala.
Nalulungkot ako na hindi sinasadya.

Ang hirap na manghuli ng isda.
Marami ng malalaking bangka.
Nilalambat nila malaki man o maliit.
"Basta't isda "ang kanilang sambit.

Pinapaaral ko ang kapatid ko dito.
Kaya't hindi umuwi kahit gutom na ako.
Nagbabasakaling kaawaan ako ng nasa taas.
Makadala ng isda kahit alon ay malakas.
IMG_20180608_085054.jpg

Hindi sa naghahangad akong yumaman.
Makakain lang ang tanging dahilan,
Makabenta ng kunting halaga.
Pangtostos sa pag-aaral ni kuya.

Bago pumalaot pinagdasal na may dala.
Gustong humigop ng sabaw si ama.
"Kitong" na isda ang gusto ni ina.
Uuwi na ako para tayo'y makakain na.

IMG_20180608_085051.jpg

Disclaimer: Because of typhoon you can see wave in the sea.
"Baroto" is a bisayan dialect, in english small boat with no machine, in tagalog "bangka"
"Kitong" is a types of fish that is kind of expensive. This is kitong.download.jpeg photo from: https://www.google.com

Sort:  

Napakuhusay ng pagkagawa ng iyong tula, ginoo. Salamat sa pagbahagi nito dito sa Steemit. =)

Your post is featured in @bayanihan's 31st Philippines' Curation Updates. upvoted 100%!

maraming salamat po ginoo at napansin nyo ang aking gawa.

Please credit your images, what camera was used. Can you perhaps do this today to be considered for featured posts?
Kitong looks like "malaga" in Ilocano, a bit expensive but tastes so good when grilled or fried.

I just found this photo in google but if it's alright I'll find another about kitong?

cherry mobile flare is camera that I used.

Next time po, always credit your photos and if theyre yours, specify what camera sa post, not sa comments ok?Congratulations for being featured☺

ay cge po..medyo malabo kasi camera ko, orihinal ko to so ilagay ko pangalan ko sa photo..ganoon po ba un?

Pwede mong ilagay un name mo yeah..but what i meant was include sa post mo na iyo ang mga photos and what camera gamet mo. Check the bottom part of my post re: photos

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63458.69
ETH 3084.37
USDT 1.00
SBD 3.99