filipino-poetry

received_2519773271381746.jpeg

"PILIPINAS"

Pilipinas ang bayan ko.
Marami ng gustong sumakop dito.
Nililinlang man ang aming mga ninuno.
Sila ay hindi pa rin sumosuko.

Dati mga mananakop ang kaaway.
Bakit ngayon parehong Pilipino ang nag-aaway.
Muslim man o Kristyano.
Sana ay tayo na't magka sundo.

Andyan din ang mga korap.
Sinasarili nila ang sarap.
Kaya mahirap ay naghihirap.
Yumaman ang mayaman na ganap.

IMG_20180612_141319.jpg

Sayang ang ganda ng mga tanawin.
Ngiti ng mga bata'y parang bituin.
Lumiliwanag buhay man ay mapait.
Naglilibang t'yan man ay sumasakit.

Pangulo ayosin mo ang bayan ko.
Komportable ang paninirahan ko dito.
Hindi man marangya ang aming buhay.
Masaya kami sa kunting tagumpay.

Tutulongan po kita.
Alam kong hindi mo to kayang mag-isa.
Sisimulan ko ito sa aking sarili.
Para Pilipinas ay kawili-wili.

Salamat sa pagbasa.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 61388.48
ETH 2984.48
USDT 1.00
SBD 3.65