filipino-poetry

"SIGARILYO"

images (1).jpeg
photo from google

Sa oras ng kalungkotan.
Sa bisyo ko idinaan
Alam walang patungohan.
Pero dito inilaan.

Dati pasuboksubok lang.
Para lang magmamayabang.
Kahit wala mang dahilan.
Ginawa tulad ng ilan.

Sinipsip at ibinuga.
Parang hanging nawawala.
Pero inubos ang pera.
Sigarilyong walang kwenta.

Mga tao'y naapektuhan.
Bisyong kinagiliwan.
Sa oras ito'y binili.
Pinapatay ang sarili.

Buhay ay pahalagahan.
Dito sa kinalalagyan.
Kaya aking iniwasan.
Para sa'king kapakanan.

Katawan ay malakas na.
'Pag bisyo ay umalis na.
Malibang may mga paraan.
Tulad nalang ng kwentohan.

Pasilip nman po gawa ko @tagalogtrail, gusto ko po malaman ang mali ko..salamat

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66038.71
ETH 3178.89
USDT 1.00
SBD 4.05