Eleksyon na Naman - A Filipino Poetry

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

images (8).jpeg

Oras na naman
Ang araw ng halalan
Takot at kaba
Tanging nadarama.

Ang ayaw ko sa lahat
Ay ang hindi tapat
Linlangin lamang tayo ng iba
Pag sila ay nanalo na.

Mga pesteng buwaya
Na uhaw sa pera
Walang hiyang kinuha
Ang kaban ng bayan.

Alam kong meron pa
Ang may mabuting puso sa pulitika
Pero lumiit na
Ang bilang nila.

Sa pangongompanya, ang buti buti nila
Magaling magpabango sa mga sinasabi
Maraming magagandang pangako
Ngunit pala, ito ay mapako.

Lagi kong ipinagdarasal
Sa Poong may Kapal
Na manalo sana ang karapat-dapat
At siguradong magserbisyo nang tapat.

Hindi pa ako makaboboto
Ngunit may iiwan akong payo
Na makatutulong sa inyo
Sa pagpili ng kandidato.

Kilatisin ng mabuti
Ang bawat sumali
Para siguradong mabago
Ang takbo ng mundo.

Pinagkunan ng imahe

Sa panunulat ni @ryancalaunan

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66569.64
ETH 3235.92
USDT 1.00
SBD 4.31