Sa Pusod Ng Karagatan

deep sea
pixabay

Sa pusod ng karagatan ibig kong sisirin kung nasaan ka,
Ano man ang lalim, ano man ang dilim,
susuungin ko ito hanggang marating kita,
at iaahon ka sa liwanag ng buhay!

Sa pusod ng karagatan alam kong tahimik ka,
walang kinikibo kahit ang mumunting isda,
nag-iisa ka, iniisip ko tuloy kung malungkot ka,
kaya naisip kong iahon kita sa dilim nito,
at sa ibabaw ng karagatan ang paraiso ng pagmamahal.

Ngunit ano mang oras kitang binibisita,
para akong isang munting palaboy sa iyong paningin,
sumasabay sa agos nito na parang basurang ligaw sa iyong moog,
at iirapang papalayong isang yagit sa karagatang puno ng angil.

Sabagay, daraan lang akong saglit, akala ko ayos lang tayo,
sige, marahil, hindi mo nga ako kailangan sa iyong karagatan,
mas nanaisin mo talagang magpag-isa ka.

Sana nga lang may iba pang karagatan na mas okay kaming magkasama,
iyon lang, saang lupalup ng sanlibutan ako makakahanap na di tulad mo!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 FOR SD.jpg

Sort:  

keep looking keep swimming

kung para nga kau sa isa't isa, bakit ka susuko?

Wala talaga ganiyan talaga mga babae ngayon. Noong araw iba ang mga babae. Wala namang iniisip mga babae ngayon pansarili lang. Ang pagmamahal ng mga babae ngayon panandalian lang. Mas maiigi talaga na mag-isa na lang kaysa sa naman kasama nga siya, iba naman ang nasa isip niya. Kaya naman ibig kong lumanggoy sa malinis na karagatan nang nag-iisa.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63617.36
ETH 3070.79
USDT 1.00
SBD 3.82