#184 Filipino Poetry: "Konsensya"

photo-1514651029128-173d2e6ea851.jpeg

"Konsensya"


Napapasabak sa debatehan
Ng mga mururunong ang isipan
Hindi nagpapatalo sa iba
Dahil ang angking talino ay hindi basta-basta

Mga kaalamang umaapaw
Hindi kinuha sa pag-aaral
Sadyang talento ay naiiba
Bihirang tao na pinagpala

Mga kamalian ay kinikilala
Hindi yong tinatapon sa iba
Dahil sa kanyang purong puso
Marunong magparaya at umunawa

Akala mo'y lahat ng tao ay pareho
Ibahin mo ang isang ito
Hindi mo lubos maisip na,
Ang lahat ng nagawa ay hindi ginawa ng iba

Kaya't wag makikipagtalo
Lalo na sa kanya na kaibigan mo
Oo, kaibigan mo siya
Siya ang iyong konsensya


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64332.82
ETH 3146.25
USDT 1.00
SBD 4.17