#187 Filipino Poetry: "Kulitan Part 1"
"Kulitan Part 1"
Sabi nila, magbiro ka na raw sa lasing
Wag lang sa bagong gising
Sabi ko naman, magbiro ka na lang sa iba
Wag sa akin na sineryoso ka
Sabi nila, di kaw raw makakarating sa paroroonan
Kung di ka titingin sa iyong pinanggalingan
Sabi ko naman, di ka talaga makakarating sa gusto mong puntahan
Kapag di ka lilingon sa likod mo, nandoon kasi ako
May kasabihan pa na
Pag may sipag at tiyaga, may nilaga
Wala kayo sa kasabihan ko
Di ka na magsisipag kasi ako ang magtatrabaho para sa'yo
Nasa huli daw ang pagsisisi sabi nila
Totoo nga naman kasi naranasan ko na yan
Ngunit hindi lahat magsisisi ka
Lalo na't ako ang iyong piniling makasama
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash