#188 Filipino Poetry: "Kulitan Part 2"

"Kulitan Part 2"


Sabi nila, sundin mo raw ang tinitibok ng puso mo
at hindi yong mga salita na galing sa utak mo
Sabi ko naman, kapag ako pinili mo,
puso at isip mo ay mag-iisa at hindi mag-aaway

Kasabihan pa ng mga matatanda,
Bawal daw matulog yung bagong ligo sa gabi
Bawal nga naman, pero okay lang yan
Kahit mabulag o malumpo kapa, hindi kita iiwan.

Sa mga nagmamarunong diyan
Oo nga't papunta palang ako ngunit pabalik na kayo
Pero para saan pa't wala kanang babalikan
Sama ka na lang sa akin, may pupuntahan tayo

Kapag kutsara ang nahulog, babae ang darating
Kapag tinidor naman, lalaki ang darating
Ngunit kung ako tatanungin,
Kahit sino pa yan na darating, ikaw at ikaw parin ang pipiliin.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63811.67
ETH 3092.68
USDT 1.00
SBD 3.86