#190 Filipino Poetry: "Kawalan"

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

"Kawalan"


Dumating sa isang punto ang isip ko'y litong-lito
ang mga salita'y di maiwasto't mukhang kulang
ako pala ay nahuli sa kawalan
kawalan ng pag-asa, pag-asang mapa sa akin ka
o aking sinta

Walang silbi, walang punto, mga bagay na walang
kapararakan bigkas ng mga labi mo
hindi katanggap-tanggap, mga pagsasama natin ay
sayo pinag aksaya!

Ang mga salitang ito ay masiglang mga linya
mula sa puso't labi ko, pag-iisip ay nilamon
ang nakaraan ay sakin ibinaon
pighati ng puso ay nilikom

Minsan dumating sa punto ako'y naglalakad
di namalayan pader na pala ang kaharap
ang mga piraso ng nakaraan sa isip at kaluluwa
sa kawalan ikaw parin ang oh aking sinta….


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Ang sakit! Nasaktan ang puso ko nang binasa ko ang poetry mo @themanualbot #moveon

Hahaha salamat relate na relate ka ata @steemtoni22.

Oo,ganyan kasi ako nuon. Pero nagbago nako XD @themanualbot

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70846.59
ETH 3567.69
USDT 1.00
SBD 4.79