#216 Filipino Poetry: "Si Juan"
"Si Juan"
Sabik ang tuwa at kagalakan
ang pagkalikha ng isang katauhan
talinong biyaya ng may kapal
nagsilbing gabay sa pag usbong
ng karamihan
Batid ko ang pagiging wais
at talion ng Pilipino
kitang kita sa larangan
sa panahon na kinatatayuan nyo
Subalit mukhang namumuro
at lumalaki ang ulo
dahil sa subrang ka labisan
bumilog ata ng masyado
Naging hambog si Juan
puro sarili lang ang alam
di bali na tapakan ang karamihan
basta lang matagumpayan makuha
ang mga sariling luho para
sa pangsariling kapakanan
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash