Kusina ni Nanay Romeskie | Merienda Edition

in #food6 years ago

image

Kapag may bisita talaga, lalo na at mga chikiting na makukulit ang dumalaw sa iyo, hindi pwedeng walang merienda. May bisita kami kahapon kaya kahit ang nakaw na pahinga ko ay binuksan ko ulit amg Kusina ni Nanay Romeskie para gumawa ng makukutkot ng mga bagets.

Ang merienda ngayon ay Kamote cue at banana cue ala Nanay Romeskie. Madali lang naman itong lutuin kaya hindi na kailangan ng komplikadong tutorial. Natutunan kong magluto nito noong nasa high school pa lamang ako.

Ang nanay ko ay magaling dumiskarte pagdating aa pera. Apat kaming magkakapatid kaya kinakailangan niyang pagkasyahin ang maliit na kita ni Papa. Para makatulong sa mga gastusin, gumawa siya ng paraan. Nagtinda siya ng merienda. Kwek kwek, kikiam, mangga, santol, at siyempre pa an banana cue at kamote cue. At dinamay niya ako sa pagluluto.

image

Simple lang naman ang gagawin kaya natutunan ko agad.

  1. Balatan ang kamote at saging na saba.
  2. Hiwain ang kamote nang pabilog. Pero dahil dito lamang sa bahay, pahaba ang ginawa kong paghiwa.
  3. Painitin ang mantika nang husto. Huwag hintaying umuusok na ito kundi mabilis na masusunog ang asukal.
  4. Ilagay ang kamote. Prituhin nang bahagya.
  5. Isunod ang asukal. Kapag kumapit na ang asukal ay maaari nang hanguin.
  6. Kung paninda ito, itusok sa stick. Pero dahil hindi naman ito paninda inilagay ko na lamang sa plato.

image

Naenjoy ng mga bagets ang merienda. Natugil sila sa pagtatakbuhan at paghahabulan. Pero dahil matamis ang kinain nila, hyper ulit sila pagkatapos magmerienda. Ganoon naman talaga ang mga bata. Haha!

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70884.24
ETH 3570.27
USDT 1.00
SBD 4.76