ANG KABUTIHAN NG AKING NANAY !!!!

in #kwentong-nanay6 years ago (edited)

Ako nga pala si Juvie dalawampu't pitong taong gulang ito ang aking kuwento tungkol sa mapagmahal kong nanay Julie, taong 2009 ng ako'y nabuntis at Marso 13, 2010 naman ako nanganak. Nagalit ang aking nanay sa akin dahil ako ang nag iisang anak na babae niya at ako pa ang bunso. Isang araw lang siya nagalit sakin at kinabukasan kinausap na nya ako at humingi ako ng tawad sa kanya at humingi din siya ng tawad sakin hindi ko maisip kung bakit din sya humihingi ng tawad sakin. Niyakap nya ako, ang bigkas ng aking nanay, Juvie alagaan mo yan nasa tiyan mo mamahalin natin siya ng sobra. Siya ang kauna unahan kong apo. Napaiyak ako sa harap ng aking nanay hindi ko maisip na tatanggapin ng aking nanay ang nasa sinapupunan ko. Sobrang saya ko noon dahil kahit mga kuya ko at Tatay ko tanggap agad nila ang nangyari sakin at tanggap din agad nila ang kasintahan ko noon na si @nestorsolayaojr. Nang lumaki na ang tiyan ko at wala na ako maisuot na damit niyaya ako ng aking nanay na pumunta sa bayan para bumili ng mga damit na aking susuotin, kapos din kasi kami sa pera ng kasintahan ko dahil construction worker ang trabaho nya noon. Ang nanay ko ang sumusuporta sakin sa mga damit at gatas na iinumin ko. Kahit ayaw ko tanggapin dahil nahihiya ako, dahil siya ang gumagastos sa amin mag ina, pinipilit pa din sakin ng nanay ko ang mga binibili nya para maging malusog ang magiging apo nya. Kahit kakarampot lang ang kinikita ng aking ina sa pagtatahi niya ng mga sirang pantalon etc. binibili pa din nya mga kailangan ko.

Nang ako'y mag li-labor na Marso 13, 2010 hindi ko akalain na manganganak na ako dahil ang kabuwanan ko ay Marso 20 pa. Saktong alas dose ng madaling araw ako dinala sa Leyble hospital.. Wala pa kami hawak na pera ng kasintahan ko dahil hindi ko pa dapat kabuwanan sa araw na iyun.. Walang alinlangan na nag labas ng pera ang nanay ko na labing anim na libong piso, inipon nya talaga yun para sa panganganak ko dahil sa pagmamahal nya sakin hindi nya ako pwede pabayaan wika sakin ng nanay ko. At ito na alas sais na ng umaga halos anim na oras na paghihintay, lumabas na ang Prinsipe ko. Pag gising ko ang bumungad agad sakin ang nanay ko na buhat buhat ang apo nya kitang kita ko ang saya sa muka ng nanay ko. Hindi ko napigilan umiyak dahil sa saya dahil nagkaroon ako ng magulang na kagaya ni nanay Julie na hindi ako pinabayaan sa lahat ng oras. Habang palaki ng palaki na ang anak ko hindi pa din nya kami pinapabayaan.

At lagi pa din nya inaalagaan ang apo nya. At lagi nya ako tinatanong kumaen na ba kayo kung hindi pa kayo kumakaen punta kayo sa bahay, dito kayo kumaen. Hindi ko man masabi sayo nanay na mahal na mahal kita pinaparamdam ko naman po sayo ang pagmamahal ko. Wala ako sa katayuan ko ngayon kung wala ka nanay Julie. Sobrang nagpapasalamat ako sa may kapal at ikaw ang binigay nya sakin na magulang kayo po dalawa ni Tatay Ruben. Kung papipiliin ulit ako na nanay, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko nanay julie wala ng tutumbas sa pagmamahal na pinadama mo, hindi lang sakin pati na din sa apo mo at sa mga kapatid ko

At sa tuwing sasapit ang pasko at bagong taon gusto ninyo ni tatay ruben na sa bahay nyo kami mag diwang ng pasko at bagong taon. Dahil malungkot kayo kapag hindi kami dyan nag diwang sa okasyon na yan wika ng aking ina. Napaswerte ko talaga at ikaw ang naging nanay ko nanay Julie . MAHAL NA MAHAL PO KITA.

MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASA NG AKING KWENTO TUNGKOL SA KABUTIHAN NG AKING INA.

MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING MGA INA. (HAPPY MOTHERS DAY)

28.jpg

Sort:  

happy mothers day to your beloved mom :*

Salamat ate Juvie sa iyong bahagi. Ang mga nanay talaga magtatampo minsan tapos paglipas ng tampo ayos na. Di talaga nila tayo matiis ang cute nung baby at ni Nanay. Hehehe happy mothers day sa kanya :)

Salamat po. tama ka po.. Hindi tayo matitiis ng ating magulang.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64418.55
ETH 3157.64
USDT 1.00
SBD 4.06