Maikling Pagtatalakay Sa Kwento | "Fallback"

in #life6 years ago

Related image
Pinagmulan ng imahe

Ano nga ba ang ibig sabihin ng "Fallback"?
* Ito raw ay isang alternatibong plano na maaari nating magamit sa panahon ng kagipitan.

Related image
Pinagmulan ng imahe

Noong isang gabi, mayroon akong napanood na Love Story. Nais kong ibahagi at ikawento ang kwentong aking napanuod.
Si Ate mo Girl may pagka dismayado sa kasalukuyang nobyo niya. Kapag kailangan niya ng tulong hindi nito magawang matulungan Si Ate mo Girl sa mga lakad niya, sa madaling salita hindi maaasahan ang kaniyang nobyo. Hanggang nasanay na lamang siya at naging normal na lamang sa kaniya na maglakad ng kaniyang mga kailangan ng mag-isa. Pero mayroon siyang ka-trabaho na nag-uudyok sa kaniya na dapat daw mayroon siyang "Fallback"! Ito daw yung pwede niyang ipalit agad sa kaniyang nobyo sa oras na sila ay mahihiwalay. Hanggang isang araw insidenteng nakita niya ang kaniyang dating nobyo na kaniya pa lang napagtanungan tungkol sa kaniyang hinahanap. At simula noon palagi na siya nitong sinasamahan sa lahat ng kaniyang mga lakad kahit saan! Nang malaman ito ng kaniyang ka-trabaho natuwa ito dahil ito na raw yung kaniyang fallback kahit mawala ang kaniyang walang kwentang nobyo. Minsang nagkausap sila ng kaniyang dating nobyo, nagtanong ito kung kamusta ba siya simula nung sila'y naghiwalay at kung napatawad na ba niya ito. Hindi siya sumagot dahil parang sa loob pa rin niya ay nararamdaman niyang may sakit pa sa kaniyang puso matapos ang 3 taong nakalipas na. Matapos ng ilang araw, kinausap Si Ate mo Girl ng kaniyang dating nobyo kung maaari pa rin bang maging sila ngunit agad niya rin itong tinanggihan dahil ayos naman daw sila ng kaniyang kasalukuyang nobyo at Si Ate mo Girl naman ang nagtanong sa kaniyang dating nobyo kung ito ba ay makakapaghintay sa kaniya. Ngunit medyo napaisip ito dahil lumalabas na "fallback" siya ng babae pag naghiwalay sila ng kaniyang nobyo. At nangyari nga ang di inaasahang pangyayari, naghiwalay sila ng kaniyang nobyo at ngayon nais niya sana na balikan ang kaniyang dating nobyo ngunit ito ay nagalit dahil ginagawa lamang daw siyang reserba ng babae. Pero hindi tumigil Si Ate mo Girl na mag-effort sa kaniyang dating nobyo upang kaniyang mapatunayan na mali ang iniisip nito. Hanggang di naglaon, nagkaayos sila at nangakong ayaw na nila ng "fallback" o Plan B. Kung sakaling sila ay mag-away, hindi na nila kailangan ng fallback, aayusin na lamang nila ang hindi nila pagkakaunawaan at hindi na muli pang gagawa ng Plan B bilang "fallback".

LESSON: Mainam na may Plan B o fallback kung sakaling dumating ang oras na ikaw ay bigo sa isang bagay. Ngunit sa isang banda, ang hindi mainam dito ay hindi ka matututong itama ang iyong nabigong gawain o bagay na iyong nagawa.

Ikaw, anung mas gusto mo? May fallback ka o wala?

Please also support our boy Terry with his good and golden heart @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥


Sort:  

Saken panget ang may fallback marami siya possible na disadvantage. Una una makakaskit ka damdamin iba. Bukod dun magmumukha ka cheater. Masaklap sa lahat what if kung ginagamit ka lang fallback mu. Ang ending kaw ang masasaktan sa huli. Magkakaroon ka lang marami regrets sa life kapag nagkataon. Mahirap makamove-on sa regretion. tama ba un word ko. hahaha.

Truth @acinad! Ganun na nga mangyayari kapag may fallback... well, iba iba pananaw ng iba lalo na ung mga wais kailangan laging may Plan B pero kung sa pag-ibig talaga 'to pangit may fallback.

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Aw' maraming salamat po @c-squared! Hanggang sa muli po!

Im not a fan of movies especially love stories.. buthis considering that youve write this with justice makes me read about this even I personally dont want to watch it... you are enough to tell me everything about t

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70557.88
ETH 3560.83
USDT 1.00
SBD 4.75