Tsismosa (nakakaasar na kwento)

Sa isang hilera ng mga bahay sa isang lugar sa Maynila natural ng nakikitang nag-uumpukan ang mga taga Sitio Bunganga. Mapalalake, mapababae, bata at matanda, nakaugalian na nilang pag-usapan ang buhay ng may buhay.

Ito na naman si Aling Puring na kahit masama ang pakiramdam ay kagaling pa ring makasagap ng tsismis. Dahil nga masama ang pakiramdam niya ay di sya makalabas ng bahay. Pero kating-kati na talaga ang kanyang dila na ipamilta ang bago nyang scoop tungkol sa kabitbahay nilang si Choleng.

"Psst, psst, BD boom, BD boom", sitsit ni Aling Puring sa dumadaang tambay na kapitbahay niya.

Takang-taka naman si BD boom kung saan nanggaling ang nakakarimarim na boses na iyon. Kapangit. Nagpalinga-linga siya at nakita niyang kumakaway si Aling Puring sa kanya mula sa bintana. Nilapitan niya itong nagkakamot ng ulo.

hhycg0j5hl.jpg
"Ano po ba iyon Aling Puring. Emergency ba iyan", bati ni BD boom

"Ah hindi naman pero naku kilala mo ba si Choleng. Yung kapitbahay nating mas makati pa sa gabi na kung sino-sinong lalaki ang kasama gabi-gabi", banat ng reyna ng mga tsismosa

"May German, may Korean at may Negrong kalandian. Isang buwan pa lang na bumalik sa barko ang asawa eh kung sino sino na kinakalantari", dugtong pa niya

"Ah! opo, ano pong meron sa kanya bukod sa ching chang su na ang kapal-kapal sa mukha nya?", tanong ni BD

"Hala, ano ka ba di mo pa alam. Huli ka na sa balita. Ayon buntis!!!.", pagbubunyag ni Aling Puring

"Huwat!, Di na nakakpagtaka. Grabe naman yan si Choleng. Tatlo na anak eh. Susmaryosep", napaantanda pa si BD Boom

"Ay sinabi mo pa. Networking daw kuno at mga invite nya yung mga foreigner na pumupunta sa bahay nila", panggagatong ni Aling Puring

"Grabe na talaga ang panahon ngayon. Sa bahay pa pala nya dinadala mga egoy nya. Diyos ko po patawarin", nag-antanda muli si BD Boom

"Ah ganun eh. Di ba at tropa mo yung Tonying, yung asawa nya. Ay dapat na malaman nya ang katotohanan", nagpayo pa ang tsismosa.

"Ay naku, ayoko po makisawssaw diyan. Ayoko na ako pa magsasabi ng masamang balita sa tropa ko!", pauyam na pagtanggi ni BD boom.

"Anong masamang balita ba pinagsasabi mo. Ang sabi ko kako si Choleng buntis!", tila ang matanda pa ang nagulumihanan sa agos ng pag-uusap nila.

"Ayon nga ho. Ang sabi ninyo si Choleng ay buntis at nagpapapasok ng mga dayuhan sa bahay nila kahit tatlo na anak nila ni Tonying. May German, Korean at negro pa ika nyo", pagpapaliwanag ni BD boom.

"Ang sama mo naman mag-isip kay Choleng", pambibintang ng Aling Puring.

"Eh masama naman talaga ang nangyari. Teka sino po ba ang ama ng pinagbubuntis nya", napatanong tuloy ang nagtatakang tambay

"Ikaw talaga ang hina mo pumik- ap.. edi walang iba kundi yung asawa nyang si Tonying", pagmamagaling ng matanda.

"Talaga bah", napakunot ng noo si BD boom

"Ay oo, kelan ba ako nagbalita ng mali", buong tiwala sa sariling banat ng matanda.

"Naku Aling Puring, sinasayang nyo oras ko", nagwalk-out na ang tambay

"Uy teka, teka, may isa pa akong balita tungkol kay Aling Curdapia naman"

Nang mapansin niyang hindi na babalik ang tambay ay nagsimula siyang mansitsit muli ng iba pang dumadaan...

10phnx4swt.jpg

gusto ko lang po talaga gawan ng kwento ang larawan na nasa blog na ito haha
ang larawan na narito ay kinuha gamit ang aking lumang Cherry Mobile S4

Sort:  

Cute ng photo mu!

sawamat pfuh.
yeah ehem ehem

Si BD boom naman kasi napakasama mag-isip eh. Hahaha

wahaahah. effort makatsismis si Aling Puring

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64060.81
ETH 3129.62
USDT 1.00
SBD 4.17