Bitter No More: Ikatlong Bahagi

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Bitter No More.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Ikatlong Bahagi.PNG

Ang nakaraan...

"Sorry talaga, Anchelle.” Yumuko ito at umiwas ng tingin sa kaniya. “Pero wala na akong feelings sa 'yo." Matapos nitong sabihin iyon ay tinalikuran nito si Anchelle at iniwang luhaan.
Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Anchelle habang sinusundan ng tingin ang papalayong nobyo. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, ngunit mas nanaig pa rin ang sobrang sakit ng puso niya.

ILANG araw nang nagmumukmok si Anchelle sa kaniyang kwarto. Hindi niya matanggap na hindi na siya mahal ni Jade. Hindi niya alam ang gagawin. Lagi na lang siyang lutang at hindi makausap nang matino ng pamilya niya. Tatlong araw na rin siyang hindi pumapasok sa paaralan nila na ikinabahala na ng mga magulang niya. Wala siyang ibang ginawa kung 'di ang magkulong sa kuwarto niya. Lumalabas lang siya kapag nakararamdam na siya nang matinding gutom.

Maya't maya rin ang biglaan niyang pag-iyak dahil laging sumasagi sa utak niya ang magagandang alaala nila ni Jade. Tuwing iniisip niyang kalimutan na lang ito ay bigla niyang maaalala kung gaano nila kamahal ang isa't isa noon. Iyong mga panahong masaya sila at nagkukuwentuhan sa mga nangyayari sa buhay nila. Iyong mga tampuhan at away nilang hindi nila pinalilipas ng kahit isang araw at agad iyong inaayos. Kahit anong gawin niya ay naaalala niya ang dating nobyo.

Nakatulala niyang pinagmamasdan ang kisame habang nakahiga nang biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto.

"Hindi pa ako gutom," sambit niya habang tulala pa ring nakatitig sa kisame.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isang nakangiting lalaki.

"What are you doing here? You're supposed to be in school." Nakapamaywang na saad ng lalaki at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi nito.

"Ako ang dapat magtanong sa 'yo." Tinaasan niya ito ng kilay. "What are you doing here?"

Imbes na sumagot ito ay hinila lang nito ang kamay niya, dahilan para makabangon siya sa pagkakahiga.

"Ano ba, Ariel? Stop it!" naiiritang bulyaw niya rito.

Pero hindi nakinig ang lalaki at pinatayo pa siya nito at pinilit na ipasok siya sa banyo. Kahit na nagpupumiglas siya ay talo pa rin siya sa lakas nito.

Nang magtagumpay ang lalaki na maipasok siya sa loob ay agad nitong binuksan ang shower at nagmamadaling lumabas para hindi mabasa.

"Bilisan mong maligo, An An! Hihintayin kita sa ibaba." Nakangising sabi nito na ikinakulo naman ng kaniyang dugo.

"Ariel!" napasigaw siya sa galit at tiningnan ito nang masama. "I hate you! Humanda ka sa 'kin mamaya!" tiim-bagang na banta niya rito.

Ngumisi lang ito lalo bago siya iwan nito at tuluyang bumaba. Wala siyang magawa kung 'di ang magmadali sa pagligo at nang masapak na niya ito.

PAGKATAPOS niyang maligo at magbihis ay nagmadali siyang bumaba dahil nanggigigil na siya at gusto niyang kurutin si Ariel nang pino.

Pagkababa niya ay nakita niya agad si Ariel na nakikipaglaro ng video games sa nakababata niyang kapatid. Lalong kumulo ang dugo niya nang makita niyang tuwang-tuwa ito sa paglalaro kaya lumapit siya rito at piningot ang tainga ni Ariel na dahilan ng pagsigaw nito nang malakas.

"Aray ko po! Tama na, An An!" pagmamakaawa nito.

"Anchelle! Anong ginagawa mo kay Ariel? Bakit mo siya pinipingot?" Nagmamadaling lumapit sa kanila ang Mama niya kaya agad siyang napabitiw sa tainga ni Ariel.

"Wala po, Ma. Kinikiliti ko lang po ang best friend ko," pagkakatuwiran niya habang kinikiliti si Ariel at pasimple rin itong kinukurot.

"Huwag po kayong maniniwala, Mama! Piningot niya po talaga si Kuya Ayel. Kita ko po. Promise!" Nabubulol na sumbong naman ng kaniyang limang taong kapatid na si Angelo.

"Ano ka ba naman, Anchelle! Bakit mo ginaganyan ang kaibigan mo? Mabait na bata 'tong si Ariel tapos sinusungitan mo." Lumapit ang Mama niya kay Ariel at ginulo ang buhok nito.

Hindi siya sumagot at inirapan ang kaibigan bago siya tumalikod. Paakyat na sana siya sa hagdanan para bumalik sa kuwarto niya nang pigilan siya ng kaibigan.

"Oops! Saan ka pupunta?"

Naiirita niya itong nilingon at binigyan nang masamang tingin.

"Ano bang ginagawa mo rito? Nakakainis ka! Umuwi ka nga sa inyo!" pagtataboy niya sa kaharap.

Hinila naman siya nito at inakbayan. "Nandito ako kasi sabay tayong papasok. Tatlong araw ka na kasing absent at marami ka nang na-miss na lessons, An An." Nakangiting saad ng kaibigan niya.

Bigla niya namang kinurot ang tagiliran nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo akong tatawaging An An! Kadiri ka talaga!"

Napangiwi naman sa sakit si Ariel at kiniliti na lang si Anchelle bilang pambawi sa pagkurot sa tagiliran nito.

"Sige na, An An. Kunin mo na 'yung mga gamit mo at magbihis ka na rin. Hihintayin kita rito." Kumindat pa ito sa kaniya pagkasabi niyon.

"Who are you para utusan ako? Ayoko nga!" Inirapan niya lang si Ariel.

"Sige na! 'Wag nang matigas ang ulo. Gusto lang naman kitang tulungan." Nagsimula na ring mairita ang binata dahil sa tigas ng ulo niya.

Napakunot-noo naman siya dahil sa tinuran nito. "At bakit mo naman ako tutulungan? Do I look like I need your help?" sarkastiko niyang tanong.

"Of course you need my help. Alam ko na ang nangyari sa inyo ni Jade. And as your friend, I'm here to help you let go and move forward. I'm here to remind you of the dos and don'ts of moving on." Seryosong saad ng kaharap niya.

Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa narinig mula sa kaibigan. "Dos and don'ts of moving on?" pag-ulit niya sa sinabi ni Ariel.

Tumango naman ito at nginitian siya.

"Okay, thank you, Ariel. But I don't need a Love Guru. All I need is sleep." Matapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya ang kaibigan, ngunit pinigilan na naman siya nito.

"All you did was to sleep and think of your ex."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Rule number one point one, don't think of your ex and the good times you had together. Kapag lagi ka lang nandito at nagmumukmok sa kuwarto mo, tendency is lagi mong maaalala si Jade. At kapag naaalala mo siya at ang masasayang moments ninyong dalawa, lalo ka lang masasaktan at mahihirapan."

Natameme siya sa sinabi ni Ariel. Ilang segundo siyang nakatayo lang at hindi makaimik bago siya hilahin nito paakyat sa kuwarto niya.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi

Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas. Kung hindi man ako nakapag-post sa isang araw sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi gaya na lang ngayon. Dahil nga hindi ako nakapag-post kahapon, dalwang bahagi ang ipo-post ko ngayon.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Kuya Ayel to the rescue!!! Yan! Kung kinakailangang buhatin niya si An An, buhatin niya!

May tanong lang ako mam @jemzem.. ma-muscle ba si kuya Ayel? May abs ba siya? Gusto ko sana siyamg mahalin. Bakit hindi siya ang nagpaligo kay An An? Hahahaha

Joke lang po ha. Kinikilig kasi ako. Hahahaha

Mapandesal si Ayel mam @romeskie. Solid 'yung katawan niya, ang sarap pisilin. Charot hahahahah. Sa susunod, i-suggest natin kay Ayel na siya na ang magpaligo kay An An. Hehehhehe

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70557.88
ETH 3560.83
USDT 1.00
SBD 4.75