**PINGKIAN: PAGLALAHAD NG KARANASAN**

image

Ika-24 ng Abril taong 2018 ginanap sa MSU-IIT Mini Theater at IPDM Kalinaw Hall ang Kulokabildo sa mga Anak sa Bakwit, Pulis ug Militar (Dialogue with Children of Evacuees, the Police and Military). Ito ay kasabay ng pagdiriwang sa Pambansang Buwan ng Literatura 2018. Ang kaganapan ay nakatuon sa mga bakwit, mga Kababaihan Troopers ng Task Force Ranao, at PNP. Nagbahagi sila ng kanilang mga sariling karanasan tungkol sa Marawi Siege.

image

Nagbahagi din ng mga tula ang mga awtor na sina Santiago S. Diokno, Rebecca T. Anonuevo at Genaro Ruiz Gojo Cruz na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ang bawat pagbabahagi ng literature ay puno ng pag-asa, hapdi at pagpupunyagi.
Matapos ang talumpati ay nagkaroon ng worshop tungkol sa pagsulat ng kani-kanilang mga naging karanasan.

image

Ang mga military, pulis kasama ang mga estudyante ng MSU-IIT ay bumuo ng grupo upang isa-isang magbahagi ng kani-kanilang mga karanasan sa buhay.

image

Naging matagumpay ang nasabing programa dahil sa pagtutulungan ng bawat facilatators na sina German V. Gervacio, Saturnina S. Rodil, Karlo Antonio, Galay David, Karen Veloso, Hobart Savior at Michelle Jean Caracut. Nagtanghal din ang IPAG ng kanilang palabas na: 'SugaTula' (tawiran-tula, IPAG) at Kalilang (tradisyonal na Meranao ensemble).

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64207.05
ETH 3065.15
USDT 1.00
SBD 3.87