Pagsusuri ng Pelikulang Maala-ala Mo Kaya ( episode: Tungkod )

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Nilalaman ng Pelikula




Ang nilalaman ng pelikula ay tungkol sa isang ina . Isa siyang guro na puno ng pagsubok sa buhay. May anak siyang napakabulakbol, na kinalauna'y nagrebelde sa kaniya. Galit na galit ang anak na si Anton nang malaman nito na napilitan lamang ang ina niyang ipanganak siya. Sinabihan siya sa dahilan kung bakit napilitan lamang siyang ipanganak. Pinagsasamantalahan kasi siya. Ngunit, nang naipanganak na siya ay mahal na mahal siya nito ng kaniyang ina. Pinag-aral si Anton sa kolehiyo matapos siyang grumaduate sa hayskul. Sa kasamaang palad, sinayang lang niya ang perang pinag-iponan ng kaniyang ina para siya ay makapag-aral. Hindi siya nag aral ng maayos at laging nasa inuman.

Umuwi si Anton sa kanilang bahay na dala-dala ang babaeng buntis, ngunit tinanggap ng ina ni Anton kahit nahirapan tanggapin ng ina. Dumating ang araw na kailangan nang mag retiro si Mrs. Piano, ina ni Anton. Nakatanggap ang kanyang ina ng 780,000 pesos. Bumili ang kanyang ina ng tricycle para kahit papano'y magkapera si Anton. Lagi na namang naglalasing si Anton, ang kaniyang ina ang tumutustos ng pagkain sa anak ni Anton kahit hindi responsibilidad ng lola. Ang asawa naman ni Anton ay bugbog sarado, lagi na lang binubugbog. Hanggang sa dumating ang pinakamapait na trahedya, nasunog ang kanilang bahay at nandoon ang pera ni Mrs. Piano, hanggang iyak nalang siya at sinisi ni Anton ang kaniyang ina sa insidente. Naghanap ng trabaho si Mrs.Piano at naging janitor sa paaralan na kung saan siya nagtuturo noon. Naawa ang mga guro sa kaniya. Dumating din ang araw na makulong si Anton dahil sa pambubugbog ng kaniyang asawa. Nagdesisyon si ang ina ni at ang asawa na Anton na ipakulong siya. Sa huli ay nagsisisi si Anton at humingi ng tawad sa kaniyang ina.

Ang aking natutunan sa pelikula



Ang pelikulang ito ay napakaganda talaga, tiyak na marami kang mapupulot na aral. Ang mga natutunan ko: "Masama ang magrebelde sa magulang." Nagrebelde si Anton sa kaniyang ina dahil pilit siyang nagbulagbulagan sa katotohanang mahal siya ng kaniyang ina at ang kahihinatnan ng kaniyang pagrebelde, naging salat ang buhay niya at nakulong pa. "Mahalaga ang Edukasyon." Hindi pinahalagahan ni Anton ang kaniyang pag-aaral, hindi man lang niya naisip na may mga taong gustong mag-aral ngunit kapos sa pera , tapos siya, sinayang lang niya ang lahat. "Laging mapagkumbaba." "Nasa huli ang pagsisisi." May mga bagay sa ating buhay na sa huli na natin mapagtanto. Katulad ni Anton, saka pa siya nagsisi na huli na ang lahat. Sa sinabi pa nga ng isang pari sa kanyang sermon, "Tayo lamang mismo ang kumukulong sa sarili natin. Ayawa kasi nating kalimutan at hayaan ang mali ng tao, at minsan ay ayaw nating magpatawad."

Ang kuwento talaga sa MMK ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Nakakaantig sa puso at isipan. May senaryo sa kuwento na napaluha talaga ako. Ang pinakamalaking bagay na natutunan ko sa pelikula ay yung kasabihang " Always love your mother because you will never get another."

Kung ako ang bida sa pelikula



Kung ako ang bida sa pelikula, papalakihin ko si Anton na responsable at disiplinado. Nakikita ko kasi na kulang sa disiplina si Anton. Dapat ay hindi ko ibibigay lahat ng gusto sa aking anak, lalo na kung ang gusto niya ay walang kwenta. Iparamdam ko sa aking anak na mahal ko siya, ngunit hindi ako papayag na isipin niyang gagawa siya ng mali dahil mahal ko siya.



DQmQPRBLmhWag36FBxYVNJNKZRUsBbpPeZvm7FVixnWVXhk_1680x8400.png

Maraming Salamat sa pagbasa ng post ko!
Manatiling nakatutok.!

gi.gif

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

@therealwolf 's created platform smartsteem scammed my post this morning (mothersday) that was supposed to be for an Abused Childrens Charity. Dude literally stole from abused children that don't have mothers ... on mothersday.

https://steemit.com/steemit/@prometheusrisen/beware-of-smartsteem-scam

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64664.11
ETH 3166.18
USDT 1.00
SBD 4.11