Ikalawang Serye ng Tula: #1 Mahapding Sugat [Filipino Poetry Series]

in #literature7 years ago (edited)


Image Source

Wala pa namang sakit na hindi naisulat. Sa dami ba naman ng mga nasasaktan sa mundo, may di ba makaiisip na ilathala ito at ilabas sa papel o sa kung saan man?

Sa loob pa nga lang ng internet ngayon, andami nang mga pahinang ito ang pinagtutuunan ng pansin, ang sakit ng pag-ibig, ang maiwang mag-isa, kung paano umahon mula sa pagkabigo, kung pa’no ka magmomove on sa pag-iwan sa’yo ng syota mo.

Ibinabahagi nila sa mga tula, may poetry night pa nga na tinatawag, may mga café na tuwing gabi ay may nakatayo sa harapan mo, nagsasalita, nagpaparinig ng sakit, ng karanasan sa pag-ibig, ng tulang nabuo dahil sa hapdi na namuo sa puso nila.

Daming hugot, dito o doon. Pa’no ba naman kasi, lahat na yata ng tao naranasan nang masaktan mula ng mamulat sila sa larangan ng pag-ibig. Ano’ng edad? Walang edad, minsan sa murang isip natututunan na nilang magmahal at masawi. Masaktan at mabigo. Lumuha.

Sa palabas pa nga lang sa sinehan, yung mga tipok mapapaiyak ka kasi mararamdaman mo yung sakit na gusto nilang iparating. Kasi alam mo yung pakiramdam nila, alam mo rin yung kirot ng puso nila.

Sa pelikula, sa tula, sa mga pahina sa internet, sa mga blog, sa pader ng banyo, sa pader sa kalsada, sa likuran ng kuwaderno mo, sa papel na nasa ilalim na lang ng kama mo… Hindi lang diyan nakasulat yung sakit.

Sa mga luhang pumatak sa unan mo, nakasulat yung sakit. Sa eyebags mong malaki, nasusulat din yun. Sa ngiti mo, na hindi na ngiti ngayon. Busangot na yung mukha mo, sakit din ang nagsulat nyan dyan. Sa ibang tao pa nga, sa mga kamao nila at pulso, nakatattoo na yung literal na sugat at sakit na nakuha nila dahil sa pagkawala nila sa pag-ibig.

Wala naman talagang sakit na di pa naisulat, paiba-iba lang ng lapis at papel na ginamit. Iba-iba lang ng medium. Paulit-ulit lang naman yung sakit na nararamdaman natin. Paulit-ulit lang din naman nating pilit ibinubuhos sa papel, iba, sa mundo.

Lahat naman ng sakit na tiniis natin sa pag-ibig, nakasulat na habambuhay sa puso natin.


Magsisimula ako ng panibagong serye ng tula. Ang tulang ito ay maaaring makita sa Wordpress o sa Tumblr. Hindi ko alam kung maayos ang pagkakasulat ko sa tulang ito, kayo na lamang ang humusga.

Hinihikayat ko ang mga kapwa ko Pinoy na magsulat din ng mga post sa wikang Filipino (o kahit anong diyalekto sa Pilipinas) at gamitin ang tag na #Pilipinas.

Maaari nyong sundan ang mga sumusunod na account para sa inspirasyon at mag matulunging posts: @steemph @bayanihan @dreamiely @themanualbot @jassennessaj.


Maraming Salamat!

Thank you so much!




Sort:  

How I wish I have the best translator ever.. :)

Thanks👌👌👌👌 for sharing post👌👌👌👌

Congratulations @deveereir, this post is the tenth most rewarded post (based on pending payouts) in the last 12 hours written by a User account holder (accounts that hold between 0.1 and 1.0 Mega Vests). The total number of posts by User account holders during this period was 1039 and the total pending payments to posts in this category was 1534.13. To see the full list of highest paid posts across all accounts categories, click here. If you do not wish to receive these messages in future, please reply stop to this comment.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63036.79
ETH 3067.42
USDT 1.00
SBD 3.82