Lihim ng pulang singsing

in #maikling-kwento6 years ago

Tuwing sem-break ay umuuwi si Isabel sa kaniyang magulang sa probinsya upang dalawin ito at kumustahin. Si Isabel ay nag-iisang anak ng mag-asawang Gardo at Edna, maglalabing walong taong gulang na siya sa susunod na buwan. Nasa ikatlong taon na siya ng kolehiyo sa kursong Nursing, iyon ang nais niya dahil nais niyang matulungan ang mga ka-nayon dahil na rin sa kakulangan nila ng tao sa health center. Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng malawak na lupaing sakahan at ng isang malaking tindahan sa kanilang lugar. Nang makapagtapos siya ng highschool ay minabuti ng kaniyang mga magulang na sa maynila na siya mag-aral dahil na rin sa katalinuhan niya ay nakakuha pa siya ng scholarship sa eskwelang pinapasukan niya.


Pagbabalik tanaw...
June 2018

"Pwede maki-share ng mesa?", tanong ni Ziah sa babae nauna sa mesa

"Sige, bago ka dito?", tanong nito

"Oo, ako nga pala si Ziah"

"Ako naman si Isabel,anong kurso mo?"

"Kagaya din sayo, 3A ako"

"Magkaklase pala tayo, dapat naka-uniporme ka na kasi masungit ng unang subject natin ngayon"

"Naku di pa daw tapos dun sa patahian"

Patuloy ang kanilang masyang kwentuhan hanggang sa tumunog ng cellphone ni Ziah.

"Ziah! Ziah! Oras na para sa unang subject.", sabi ng kanyang pasadyang alarm


Hindi nagtagal ay naging malapit magkaibigan ang dalawa ngunit nagtataka si Ziah kung bakit ni isa ay wala itong kaibigan at walang pumapansin dito maliban sa kaniya. Minsan ay magkasama sila ulit sa canteen kumain nang umalis sandali si Isabel ay may lumapit sa kaniyang isang babae.

"Ineng layuan mo siya kung hindi ay mapapahamak ka lamang, dahil sa kaniya hindi ko na nakita ang anak ko."

"Ziah tara na?"

"Huh?", gulat na reaksyon niya sa pagtawag sa kaniya ni Isabel

"Sino kausap mo? Nagsasalita ka yata mag-isa? Ayos ka ang ba?"

Lumingon ulit siya sa kinaroroonan ng babae ngunit nawala na ito na parang bula. Hindi niya binanggit ang nangyari sa kaibigan dahil ayaw niya pagkamalang baliw.
Sobrang bilis ng paglipas ng oras kagaya ng kung gaano kabilis lumamig ang kape mo sa gabing malamig na ikaw ay nagpapakapuyat sa kung ano man ang pinagkakapuyatan mo. Heto na nga, sa wakas natapos din ang unang semester at makakapagbakasyon na naman ang mga estudyante.

"Anong plano mo ngayong sem-break Isabel?

"Uuwi ako sa probinsya para makita ang mga magulang ko, ikaw?"

"Dito lang siguro ako magbabasa ng mga libro para sa susunod na semester"

Biglang tumunog ang cellphone ni Isabel, may mensahe mula sa kanyang ina na nagsasabing "Magsama ka ng kaibigan mo kahit isa"

"Mama mo?"

"Oo, tinatanong niya kung may kasama ako para makapaghanda daw sila. Gusto mong sumama?"

"Ha? Ah sige gusto ko din makapunta ng ibang lugar, mag-iimpake na ako"

Hapon sila umalis ng Maynila para pagsapit ng madaling araw ay naroon na sila sa kanilang nayon. Paglapag na paglapag ng mga paa nila sa puting buhangin ay sinalubong agad sila ng mga magupang ni Isabel na tuwang-tuwa ng makita ang kasama niyang si Ziah.


Pinagkunan

"Napakagandang dalaga ng kaibigan mo Isabel", pagpuri ni Edna kay Ziah

Sinuklian lamang niya ito ng matamis na ngiti, naglakad lang sila patungo sa bahay ng mga ito na matatanaw na mula sa dalampasigan. Napakasariwa ng hangin dito, napakasarap din pakinggan ng bawat hampas ng alon sa bato at buhangin. Pag dating nila sa bahay ay namangha si Ziah sa makalumang disenyo ng bahay na parang nasa panahon ka pa ng mga kastila, ngayon lamang siya nakakita ng ganito sa tunay na buhay. Nag-almusal muna sila ng sinangag, daing at ng mainit na gatas bago sila nagpahinga.
"Ziah dito ka na lang matulog sa kwarto ko para may katabi naman ako, buong buhay ko kasi mag-isa lang ako matulog"

"Parehas pala tayo, nag-iisang anak din kasi ako."

Natulog ng mapayapa ang magkaibigan na tila nakahanap ng kapatid sa bawat isa. Tanghali na sila nang magising kaya naman oras na naman ng pagkain. Pagkatapos ay namasyal sila sandali sa dalampasigan upang magpahangin kahit na mataas ang sikat ng araw ay masarap pa rin maglakad-lakad.

"Ang sarap siguro manirahan dito?"

"Oo, maganda ang lugar at mababait din ang tao pero kasi..."

"Isabel!", tawag ng kaniyang ina na hinihingal sa pagtakbo

"Ma bakit po anong nangyari?"

"Umuwi muna kayo sandali, ang iyong ama nahimatay na naman"

Dali-dali silang umuwi, pagdating ng bahay ay pinapasok muna si Ziah sa kwarto ni Isabel habang ang mag-ina ay pinuntahan si Gardo s kwarto nito.

"Pa anong nangyari?"

"Nanghihina na naman ako anak, kailangan na naman gawin ang kagaya ng nakaraang taon"

"Pero pa..."

"Pinangako natin yun anak, alam mo naman na minsang inalay na ng iyong ama ang kaniyang kaluluwa para buhayin ka ulit", paalala ng kaniyang ina.

"Paano kapag hindi natin nagawa ang hinihiling niya?"

"Kukunin na niya ang kaluluwa ng iyong ama at kapag nag-edad ka ng labing walo ay kailangan na ding ialay liban kung..."

"Naiintindihan ko ma, gawin natin mamayang alas tres ng madaling araw para maligtas si papa"


Sumapit na ang gabi at oras na ng pagtulog. Parehas nilang nakaugaliang maligo bago matulog para mas maging mapayapa ang tulog nila magdamag. Si ziah ay nakaputing pantulog at si Isabel naman ay nakapula.

Nakakabingi ang katahimikan ng buong paligid tanging ang mga hampas lamang ng alon ang naririnig. Sumapit na ang alas tres, isasagawa na ang napag-usapan.

Samantalang ay nakasako pa rin ang ulo ng babaeng iaalay nila Edna at Gardo doon sa kwarto sa ilalim ng kanilang bahay dahil doon isasagawa ang ritwal. Ginilitan na nila ito sa leeg at sinahod ang dugo na tila baboy na kinakatay. Ipinahid ang dugo sa kanilang mga noo, ang natira ay ibinuhos sa kumukulong tubig malaking kawa na may kasang kung anu-anong mga bagay na kasama sa ritwal habang dinadasalan nila. Ang katawan ng babae ay nasa gitna ng malaking mesa sa harap ng isang imaheng mala-demonyo. Nang sumapit ang liwanag ay siya ring hudyat ng pagtatapos ng ritwal sabay nito ang pagtanggal ng sako na nakabalot sa ulo ng alay.

Nanlumo si Edna sa kaniyang nasaksihan, si Ziah! Si Ziah! Agad namang tinungo ni Gardo ang kwarto no Isabel ngunit wala siya roon. Buong pagsisisi at pagkamuhi ang naramdaman ng mag-asawa sa kanilang mga sarili.


Pagbabalik tanaw...
Bago mag-alas tres

Ginising agad ni Isabel si Ziah bago pa man mag-alas tres upang gawin ang napagkasunduan nila. Nagpalit sila ng damit at ibinigay kay Ziah ang rosas na pulang singsing. Parehas silang nagkunwaring tulog habang kinakapa ni Edna ang mga kamay nila, nang mahawakan ang singsing sa kamay ni Ziah ay agad siya nitong binitawan. Agad na isinilid sa sako na may pampatulog si Isabel upang makasigurong hindi ito magigising. Dumaan sa bintana si Ziah upang tumakas at agad na sumakay sa unang bangkang babyahe papunta ng bayan.
Lulan ng isang bangka si Ziah, maliwanag na kaya inumpisaha na niyang basahin ang liham na binigay ni Isabel bago sila matulog.

"Malapit na po tayo sa daungan, mangyaring ihanda na ang mga gamit niyo sa pagbaba",paalalang lalaking nagpapaandar ng bangkang de motor

Nakasakay na siya ng bus bago niya tuluyang basahin ang sulat ni Isabel.


Ziah,

Nagpapasalamat ako na sinunod mo ang sinabi ko sayo dahil sa wakas matatapos na ang sumpa ng pamilya namin. Siguro habang binabasa mo ito ay wala na ako dahil inalay na ako ng aking mga magulang. Ikaw dapat ang pangatlong biktimang iaalay para maligtas si papa at manatili akong buhay ngunit hindi ko na kayang mabuhay kung ito'y magdudulot ng pagpatay ng mga inosente.


Pinagkunan

Huwag mong huhubarin ang pulang singsing na binigay ko sa'yo upang hindi ka mahanap ng aking mga magulang, yan ang magsisilbing proteksyon mo. Mabuti naman ang aking mga magulang ngunit dahil nga pareho silang lahi ng mangkukulam at hindi sang-ayon ang magulang ng aking ina na mapangasawa ang aking ama ay isinumpa nila sila. Ang anak nila ay magiging normal na tao na mamamatay sa mismong araw ng kapanganakan nito, ang anak na yun ay ako. Kaya naman nakipagkasundo ang aking ama sa isang demonyo upang buhayin ako kapalit ng kaluluwa niya. Kailangan din ng alay na birheng babae mula sa ika labing limang taon ko.

Noong unang taon ko sa kolehiyo ay nagsama din ako ng isang babaeng kaklase ko at inalay siya, ganun din ang nangyari sa ikalawang babaeng isinama ko sa amin. Ayaw kong ialay ka dahil napakabuti mo sa akin.

Mag-iingat ka sana aking kapatid, oo kapatid dahil yan ang turing ko sayo. Paalam sayo.

Nagmamahal, Isabel


Nag-uunahan ang mga luha sa mga mata ni Ziah na hanggang ngayon ay halos hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nabasa niya. Minabuti niyang sumunod sa mga magulang sa ibang bansa at doon na mag-aral upang makalimutan niya ang lahat-lahat.


Ang konsepto ng kwento at mga karakter ay kathang-isip lamang, hindi ito hango sa tunay na buhay.

Sort:  

minsan lang may magsulat ng horror
breathe of fresh air :)

na inspired lang ako magsulat ng horror :) salamat sa pagbabasa

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64550.89
ETH 3156.32
USDT 1.00
SBD 4.30