Hindi lahat ng nag-aabroad ay yumayaman

in #money5 years ago

This afternoon, I went to the remittance to pay for my sister's loan. She sends money monthly in order to pay for it.

My sis went abroad April this year with high hopes of providing for her child. She's working as a hotel attendant. Masarap pakinggan, hotel eh. Pero yung sahod? Nah. Almost enough to pay for her loan, salary deductions, and personal needs.

Paying for her loan just to get there will take a year. So technically, April next year pa matatapos ang ganitong setup. Her contract? Two years. Two. Years. Kaya may one year siya para mabawi yung pagpapagod niya, mabawi yung pinuhunan niya upang makapunta roon. Upang makapagpundar para sa sarili at sa anak niya.

It has always been a misconception to us, Filipinos, na kapag nag-abroad ka, yayaman ka. Kapag nag-abroad ka, aasenso ang buhay mo at buhay ng pamilya mo. Well, totoo naman eh. Pero hindi lahat. Uulitin ko, hindi lahat.

Maraming mga Pilipino ang umaasang mag abroad upang makapagbigay ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya. Pero hindi lahat nagtatagumpay. Hindi lahat, nakakapagpundar.

Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong nandito ang ate ko. Napasakit makitang may hiwa yung kamay niya dahil nadaplisan ng matalim na bagay. Masakit makitang dumudugo yung ilong niya dahil sa matapang na chlorox na ginagamit nila sa paglilinis. 

Alam ko, marami pang Pilipino ang nalalagay sa ganitong sitwasyon. Mas piniling malayo sa pag-asang guminhawa ang buhay, ngunit nabigo.

Kaya pag may kapamilya kang nasa abroad, kumustahin mo. Higit sa lahat, pasalamatan mo. Hindi biro ang desisyong ginawa nila. Value the money that they are giving kasi hindi habang buhay, nasa abroad sila.

Hindi man lahat ng nag-aabroad ay yumayaman, ngunit lahat ng perang pinapadala nila ay dugo't pawis nilang pinagpaguran. Nawa'y atin itong pahalagahan.



Posted from my blog with SteemPress : [https://pinayteenvestor.com]
Sort:  

nasa hk din yung sister ko dh sya dun and hindi talaga biro yung hirap nila. A simple wave of hello means so much for them. Sadly, di pa asensado pero kahit paano nakakapagpa aral sa anak niya..

Hindi talaga biro yung pinagdadaanan nila. Great to know te. yan talaga yung ultimate reason ng ilan sa mga OFW, makapagpaaral ng mga anak. Let's pray na sana healthy sila palagi dun.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70733.96
ETH 3563.16
USDT 1.00
SBD 4.76