✎# TULA PARA KAY NANAY

in #mothersday6 years ago

TULA PARA KAY NANAY

Magandang bati sa lahat, sadyang napakaganda ng araw ng ito upang pagbigyang ang napakagandang araw na ito sapagkat ngayon ang araw na espesyal at dakila sa ilaw ng ating tahanan. Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng Ina sa lahat ng dako sa daigdig sa walang sawang pag-aaruga, pagsuporta at pagmamahal ng ating mga Ina. Mula sa pagsilang ng sanggol, sa bawat araw ng pagpupuyat sa pagtimpla ng gatas, sa paghatid sundo sa paaralan, sa pagsama sa bawat doplimang matatanggap, hanggang sa magkaanak at magkapamilya may nana'y na may pagmamahal na walang kupas. Di maipaliwanag ang aking galak at sayang aking nadarama sapagkat may nanay akong napakamapagmahal. Alam kong mayroon din kayong Ina na gaya ng sa akin. Sa lahat ng dakilang ina Mabuhay po kayo.

imgsrc:http://2fm.parsiblog.com/Author/%D8%A2%D8%B1%D9%85%D9%8A%D9%86+%D8%A7%D8%AD%D9%85%D8%AF%D9%8A++++++09139367737/

Umaga't gabi taimtim na binabantayan
Walang nakakadapo kahit lamok man
Sa himbing ng tulog, sa kanya'y puyat
Walang di gagawin kahit pa ang lahat

Kahit pagod ay gising parin
Patgimpla ng gatas sa gabi ng madalim
Kahit madaling araw ay abala sa pagtahan
Sa umaga'y pinaliligoan at binibihisan

Paang apat ay naging dalawa
Sa paglakad at pagtakbo ay malaya
Sa bawat hakbang at pagkadarapa
Matapang sa pagtayo sapagkat may siya

Nang sa tumuntong sa edad anim o pito
Supot, papel, at lapis ang siyang instrumento
Sa elementarya ang siyang bumuo
Sa akin ay syang tagahatid ta sundo

Sa pag-uwi ng bahay ay may naghihintay
Dakila kung tawagin ay nanay
Bawat hinanaing sa ating buhay
May masasandalan sapagkat may nanay na gumagabay

Sa kolehiyo, kahit malaki na
Nakakahiya mang aminin pa
Sya pa yoong minsang naglalaba
Sa mga damit natin kapag tayo ay pagod na

Hanggang sa magkatrabaho't magkapamilya
May sya parin na nagpapaalala
Nagaalaga higit sa lahat ay nagmamahal
Sadyang napakabait ng Diyos sa pagbigay ng sya

Kaya ngayong Matanda na sya
Kahit di man masuklian ang lahat
Hayaan mong sa almusal ay timplaha kita
Ng kaping yari sa pagmamahal

Ako ko po ay sa Diyos, lubos na nagpapasalamat
Sa biyayang aking natanggap
Sa taong napaka-espesyal
Tawag ko'y Nanay

Ito po ay Larawan ng aking Ina

Maraming salamat sa taos-pusong pagbasa

Nawa'y naantig ang inyong mga damdamin sa tulang aking ginawa para sa lahat ng dailang Nanay. Ako po ay higit na nagpapasalamat sa poong maykapal sa biyayang mga ibinigay niya sa akin. Ang tulang ito ay orihinal ko pong gawa.
Halina't Ibahagi ang inyong gawa para sa pinakamamahal nyong Ina.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by brapollo29 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 62623.56
ETH 3037.97
USDT 1.00
SBD 3.70