Sa Likod ng Mabigat na Costume

in #philippines6 years ago (edited)


mula kay Paolo Alcera

"More! More! More!"

Palakpakan at hiyawan ang mga tao matapos niyang magpakitang gilas sa kanyang pagsasayaw at mga pabibong galaw. May mga sumisipol pa at napapatalon sa sobrang galak. Ang mga bata naman na nakapanood ay gustong magsilapitan.

Dinumog siya ng mga tao. Mabilis na nagsilapitan sa kanya para makakuha ng litrato. Ang iba naman ay gusto lamang yumakap o makipagkamay. At meron din mga nanay na ipinapakarga ang mga anak nila sa kanya para kuhanan ng litrato kasama siya.

Hindi maiiwasan na meron talagang mga pilyo at mapaglarong mga bata, pati na rin matatanda. May bata na sumuntok sa tiyan niya. May bata na humihila sa damit niya. May sumakay sa paanan niya at gustong magpakaladkad kapag maglalakad na siya. May matanda na sinisilip ang maskara niya at ginagalaw ang sumbrero niya. May pilyong matanda na humimas sa dibdib niya at bandang pwetan. May batang tumuhod sa pagkalalaki niya.

Gayunpaman, hindi siya makapalag. Hindi siya maka-aray. Hindi siya makapanlaban man lang o madepensahan ang sarili. Dahil binayaran siya para magbigay aliw. Binayaran siya para sumayaw at libangin ang mga manonood. Tumatanggap siya ng extra na bayad para gawing katatawanan ang sarili. At ibuhos ang buong lakas para sa isang energetic dance performance.

Tapos na ang palabas. Tapos na rin ang mahaba, nakakapagod at paulit-ulit na pagpapakuha ng litrato sa kanya. Madumi na naman ang suot niyang costume. Subalit iyon ay hindi niya alintana sapagkat mas mahalaga sa kanya ang saya na naihatid sa mga batang galak na galak panoorin siya.

Agad siyang nagtungo sa isang bakanteng kwarto. Isang kwarto para sa mga staff ng nasabing kainan. Walang ibang lugar na pwedeng magamit bukod dito sapagkat hindi gaanong binibigyan ng importansya ang katulad lamang niya na service crew. Ipinagamit lamang ang kwarto na iyon para kanyang pagbihisan. Wala silang matatawag na quarters upang tambayan o paglagyan man lamang ng mahahalagang gamit. Sa iisang locker lang halu-halo ang mga gamit niya at ng mga kasama.

Sinigurado muna niya na naka-lock nang mabuti ang pinto. Hinubad na niya ang costume ng malaking mukha. Punung-puno ito ng pawis at hindi kanais-nais ang amoy na nagmumula dito. Mabuti na lamang at dalawa lang sila na gumagamit ng costume na iyon. Isinunod niya ang pang-itaas na damit. Madali lang alisin pero may kabagalan pa rin ang kanyang pagkilos. Mababakas sa dahan-dahang paggalaw niya ang pagod na naranasan sa ginawa kanina. Tinanggal ang nasa binti at ang iba pang palamuti.


costume ng mascot

Medyo gumaan ang pakiramdam niya. Tumatagos mula sa manipis niyang balat ang lamig na ibinubuga ng nakasinding aircon. Maginhawa! Sobrang sarap ng pagkakadampi ng hangin sa kanya. Animo'y humahalik sa bawat parte ng katawan na madaanan. Hindi pa siya tapos magbihis nang tawagin siya ng Branch Manager. Hindi pa tapos ang duty niya. Dalawang oras pa ang bubunuin bago siya makauwi. Tambak ang naiwan na gamit hugasin sa lababo at kailangan pa magpunas ng salaming bintana.

Sinalat niya ang kanang braso na medyo napuruhan kanina nang mag-dive siya sa sahig. Hindi naman kailangan gawin pero nagpakitang gilas talaga siya kanina. Nag-enjoy din siya marahil. Nakikihalubilo ang mga manonood at handang makipagsabayan sa ipinapamalas niyang sayaw. May mga pasa din siya sa binti at likod. Hindi niya memoryado kung paano nakuha ang mga iyon pero alam niya na gawa iyon ng mga malilikot at mararahas na mga kamay; mga batang mapaglaro na nanununtok at naninipa, mga matatandang nakikipagbalyahan sa pakikipag-unahan. Hinagod niya ang likod na lumagutok kanina nang madulas siya sa sahig dahil sa natapong softdrinks ng bata habang sumasayaw. Hindi man kumportable sa kasalukuyang kondisyon, kailangan pa rin niyang tapusin ang trabaho.

Inuna niyang linisan ang mga bintana. Dala ng pagal na kalagayan, mabagal ang ginawa niyang paglilinis. Sinabuyan niya ng tubig ang dumi sa bintana. Mabagal man, mabusisi pa rin siya sa ginagawa. Kinuskos ang nanikit na dumi-- matindi ang pagkakakapit. Ginamitan ng spray solution para malusaw mula sa pagkakadikit, hindi pa rin umepekto. Tinanggal ang suot na gloves at ginamit ang kuko pangkutkot sa dumi. Halos mapudpod ang kanyang mga kuko subalit nagawa pa rin niyang matanggal ang dumi.

Sumunod ay hinarap niya ang nakatambak na hugasin. Bumalik sa kanyang gunita kung paano siya nag-audition at nag-training para mapili na "mascot". Kung bakit kailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Nasa ikatlong taon na siya ng kursong BS Education sa PUP. Kung bakit hindi matustusan ng lasenggero niyang ama ang kanyang pag-aaral. May kung anong kumirot sa kaibuturan niya nang maalala kung paano nagtalo ang mga magulang niya at kung bakit sila iniwan ng ina at sumama sa ibang lalake. Mas pinili pa ng kanilang ina ang iwan sila, at iyon ang bangungot na palaging dumudurog sa puso niya.

Ilang beses niyang ipinanalangin ang pagbalik ng ina. Pero bigo siya nang madaming beses. At binigo siya ng ina dahil sa pagtalikod sa kanila. Hindi niya rin masisi kung bakit naglalasing ang ama araw-araw. Ramdam niya kung gaano nahumaling ang kanyang ama sa kanyang ina. Hindi na niya mapiit ang nanumbalik na alaala at bumagsak ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak mula sa namumugto niyang mga mata.

Agad siyang nagpahid ng luha nang makitang papalapit ang kanilang Branch Manager. Hindi dapat siya magpakita ng kalungkutan o kahinaan. Nasa fastfood chain siya na ang pinu-promote ay "Bida ang saya!" tapos magpapakita siya ng busangot na mukha. Lalo siyang mapapagalitan ng among intsik. Napagalitan na nga siya noong nakaraang linggo dahil nabagsak niya ang tray ng pagkain papunta sa lamesa ng naghihintay na customer. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang lalake ng kanyang ina may kasamang ibang babae. Mabuti na lamang at nakapagtimpi siya at hindi binalingan ang lalake.

Naalala din niya ang mahirap na buhay estudyante. Matalino siya, pumapasok sa Top 10 ng klase. Pero simula nung isinabay na niya ang trabaho, napag-iwanan na siya dahil sa paunti-unting bilang ng units lamang ang nai-eenroll niya. Madalas siyang makatulog sa klase dahil sa pagod.At kapag merong proyekto na kailangang ipasa, palagi siyang nahuhuli. Nahihirapan siyang pagsabayin ang dalawa. At sa sobrang hirap, minsan naiisip niya na isuko na lang ang isa -- ang para sa kinabukasan niya.

Muli ay tinawag siya ng Branch Manager. Hinahanap daw siya ng Events Coordinator para kausapin. Nang maharap na niya ito, sinabihan siya na mag-OT ng dalawang oras. May birthday party daw na gaganapin mamaya. Kailangan na naman ng magpeperform bilang mascot. Mas gusto ng events coordinator ang performance niya kaysa sa isang kasama. Dagdag kita ito para sa kanya. Pero dagdag pasakit din dahil sa matinding pagod na nararamdaman. Wala siyang magawa. Hindi niya matanggihan ang alok. Kailangang kailangan niya ang pera. Hindi lang "niya" kundi ng buong pamilya. Sa kanya nakadepende ang ama at mga kapatid. Kontrolado ang galaw niya ng kanyang sweldo. Alipin siya ng salapi.

Muli siyang pumasok sa kwarto kung saan niya iniwan ang costume na isinusuot. Mas gusto niya yata ang palaging nakasuot ang mabigat na maskara... para matakpan ang malungkot na mukha; para makalimutan ang nakaatang niyang responsibilidad sa pamilya; para magpadala sa maikling oras na pwede siyang sumaya at magpasaya; para maitago ang sakit at poot na nararamdaman sa paglisan ng kanilang ina.

Inisa-isa niya ang pagsusuot ng costume. Iinit na naman ang pakiramdam niya. Mas mainam na rin iyon kaysa maramdaman ang dating mainit na yakap ng ina. Tagaktak man ang pawis, alam niya sa sarili na may kabuluhan ang kaniyang pagpapagod. Hindi pa nagsisimula ang palabas pero kinakabahan na siya. Hinahanap na ng kamalayan niya ang palagiang pagsumpong ng kabog sa dibdib. Madalas man niya itong gawin, may kaba pa rin siyang nararamdaman.

Tumulo muli ang luha sa mga mata. Hindi na niya ito hinayaan na umabot sa pisngi. Mabilis niyang pinahid ang tumutulong luha. Tinitigan niya ang mabilog na costume sa mukha habang hawak-hawak ito. Napangiti siya nang matanto niyang nakangiti ito pabalik sa kanya. Ngayon lang niya napansin na ganito pala ang hitsura niya kapag nagpapasaya ng mga bata. Ipinatong niya iyon sa ulo at dahan-dahang ibinaba hanggang lumapat sa dapat nitong kalagyan. Muli ay naikubli niya ang malungkot na mukha. Sa likod ng mabigat na costume nagtatago ang malungkot na pagkatao niya.


Emoterong Mascot

Tumugtog na ang musika, ang hudyat na kailangan na niyang lumabas. Tinapik-tapik ang costume na may malaking pisngi. Tumingala siya sa kisame. Wari ba'y may itinuturo ang kanyang mga mata na dapat titigan doon. Pagkatapos ay napayuko siya at napa-antanda.

Lumabas na siya sa kwartong pinagtataguan. May isang kasama na umaalalay sa kanya sa paglalakad. Inihatid siya sa gathering hall para doon mag-perform. Sigawan ng mga bata ang sumalubong sa kanya. Nawala ang pagod niya sa ingay na narinig. Pumwesto siya sa bandang harapan at kumaway sa mga manonood. Pinatugtog na ang dapat niyang sayawin. Ganadung-ganado siya sa pag-indak at buong lakas siyang umiindayog. Pagdating ng chorus ay bumulagta siya. Nawalan siya ng malay dahil sa matinding pagod. Patuloy pa rin ang pagtugtog habang dinudumog siya ng mga tao.

Give it to you
My nunnunnunnunnunnun nunbit
ssodajineun My teoteoteoteoteoteo teochi
hanappunin My reobreobreobreobreob My Lover
nae meoributeo ppumppum
nae balkkeutkkaji ppumppum ppumppum eo



Lubos akong naaawa sa mga kaklase ko dati na naging working student sa fast food chain. Madalang silang pumasok at madalas pa nakakatulog sa klase. Madalas din silang pagalitan ng mga propesor namin dahil sa mga proyektong hindi naipapasa sa tamang oras. Kaya naman naisipan ko silang gawan ng maikling kwento para naman mapukaw ang atensyon ng iba sa mga humuhusga at umaalipusta sa katulad nilang service crew. Napapanahon din ang issue dahil sa hindi mabilang na pagtatalo ng mga customer at waiter na madalas mapanood ngayon sa social media. Nalulungkot ako na makabasa ng nga komento na "Customer is always right" kaya nais ko naman maiparating sa mambabasa ang kaunting backstory ng mga waiter na nahihirapan din sa trabaho.

Sort:  

Ang ganda nito kuya Jampol! Pero akala ko yung birthday party na pag-o-OT-han niya ay birthday party ng kapatid niya sa ina. Hehe.

walang ganun. nyahaha! gusto ko lang talaga i-promote ung Bboom Bboom kaya ko ito isinulat. nyahaha! joke lang 😂

eng hebe... akala ko may twist din na ....gaya ng naisip ni romeskie

wala muna tayong plot twists ngayon. sabaw na lang ang natira ngayon. wala na ang laman at gulay. nyahaha! 😂

kung meron kulang sa akin ngayon ...tulog at masarap na tulog..kaya sabaw na lahat ng gawa ko

Kilala na natin magsulat si kuya Jampol bes BD! Hahaha. Wala na siyang maitatago sa atin.. wahahaha

Aliw na aliw ako lodi sa video. Lodi ko na si Jabee, ang lupet. Kaso nabaligtad ang emosyon dahil sa kwento. Nakakaantig at nakakalungkot na backstory. Isa na naman tong magandang akda!

uy jun-jun buti napasyal ka sa Steemland. salamat at nagustuhan mo ung kwento. medyo mahaba lang basahin. nyahaha! di na talaga ako sanay magsulat ng maiksi. heheh 😁

Ang ganda ng kwento- totoong kwento ito ng isang working student.. nkakaiyak naman..

salamat po at nagustuhan ninyo @catietan 😊

Naalala ko tuloy yung classmate ko ng college.. after kmi nggraduate.. ganyan ang work nya..
sobrang hirap !!
Maskara ng buhay- masaya sa pa labas na anyo... fullsmile si mascot pero sa loob nakow ang init..

nakakaantig naman ang kwento, ganyan talaga lagi sa "bida ang saya" may tinatagong lungkot sa bawat ngiti

may itinatago rin sa langhap sarap. nyahaha! pati na rin sa linamnam ulam nyahaha! 😂
catchy masyado ang phrases nila kaya mabenta din sa madla.

nakarelate ako bilang isang dating crew sa mga fast food chain..magandang pang mulat din ito sa mga tamad na customer na pwede naman sana nilang hingin sa counter eh iniuutos pa sa crew.mahusay @johnpd! lodi ka tala.ikaw si john lodi!

nyahaha! gusto ko yon ah John Lodi nyahaha! 😁
guilty din ako dyan dahil minsan andami ko naipapasuyo sa crew kapag tinatamad ako tumayo at nag-enjoy na sa pagkain. pero ngayon, pipilitin ko talaga na limitahan ang paghingi ng kung ano sa kanila.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

thank you c2. and to the one who submitted this. 😊

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Congratulations @johnpd! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The semi-finals are coming. Be ready!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

@johnpd, thank you for supporting @steemitboard as a witness.

Here is a small present to show our gratitude
Click on the badge to view your Board of Honor.

Once again, thanks for your support!

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - France vs Belgium

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64223.84
ETH 3158.34
USDT 1.00
SBD 4.29