FILIPINO POETRY: GANDA NG PAGIGING BATA

in #philippines6 years ago

received_1846547848718148.jpeg
(Taken during the first day of Flores de Mayo cathecism)

Ganda ng Pagiging Bata

Balik tanaw sa ano ako noon,
Ngiti't tuwa ang aking mararamdaman.
Marami sa mga pangyayari iyon
Di ko inaakalang nagawa't naranasan ko.

Kay sarap bumalik sa pagiging bata
Konting bagay lang ay siyang nagpapasaya
Nagbibigay ngiti na siyang nagpapaginhawa
Galos lang ang nakakapangiyak-iyak

Kung noo'y gusto natin tumanda na,
Ngayo'y tumatanda tayo,
Gusto nati'y maging bata ulit.
Tama diba?

Kay bilis ng panahon,
Alaala ng nakaraan ay nanumbalik sa isipan
Isa sa mga iyon ay,
"Ang sarap maging bata ulit."

Maraming salamat sa pagsubaybay sa blog ko.

@lunajey

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70884.24
ETH 3570.27
USDT 1.00
SBD 4.76