Maikling Kwento/ShortStory : "#FLASH"

in #philippines6 years ago

#Flash


Image Source

  Every day may not be good, but there is something good in everyday. It was a rough day for me so I decided na pumunta sa GMall para aliwin ang sarili ko, more like tumakas. So, yeah, I dated myself. Tho it's my first time here in Davao City at first time ko pumunta sa GMall mga bes. Taga bundok kasi ako, harhar. Anyways, matapos kong malibot at maligaw sa GMall kumain ako mag isa at nanood ng cine mag isa pa rin naman, lol. 7 in the evening it was raining hard kasing hard ng abs ni Jacob Black, chareng lang!

  Two hours pass, humina na ang ulan kaya patakbo akong sumakay sa multicab Road 4. Umupo ako sa dulo kasi 'yong mga naunang pasahero ayaw mag adjust. As usual, ako na lang ang umadjust. Umupo ako sa pinakadulo, haggard na ang beauty ko tho wala akong beauty, lels. Nakasimangot ako non, medyo basa na kasi ako nang ulan at hindi ko matanggap na naging abo na lang bigla si Wanda (my favorite female avenger).

  Pagtingin ko sa harap, I stilled when I saw a young man sitting in front of me. Wow ah! Haha, kung maka YOUNG MAN ako para akong 'di teenager. As in, magkaharap talaga kami mga bes at ang pogi niya! Hahaha. His damn looks and aura para siyang galing sa Wattpad. Iyong tipo na para siyang isa sa mga male characters. Sa loob ng ilang araw na pananatili ko dito sa Davao marami na akong nakitang pogi pero iba siya sa lahat. Hindi ako na love at first sight ah! Hindi ako naniniwala don at isa mga bes, kumare ko si ampalaya. Harhar.

  There's something in him. Tho hindi siya ang pinakagwapo sa balat ng lupa pati na rin sa balat ng saging, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. His deep smoky eyes, the perfect nose (nahiya itong akin sa tangos ng ilong niya), his fair skin (halatang RK) and the smile na makalaglag panty kung walang garter suot mo. Pero ika nga nila (ewan ko lang kong sinong nila) STARING IS ROAD ESTE RUDE PALA. So, pasulyap sulyap na lang drama ko. Harhar. Syempre, hindi ako nagpahalata. Ka chat ko si Berds (my closest friends so far) at sinabi ko sa kanya na may gwapo akong kaharap. Reply niya na 'BAKLA DAW' so I chat her na hindi bakla. Lalaking lalaki mula gilagid hanggang sa nakasabit sa gitna ng hita niya, chareng lang! Harhar. So I decided to took a stolen picture from him, para ma send ko kay Berds pang evidence.

  Nagdadalawang isip ako non, kasi nakakahiya naman mga bes at isa pa walang permission niya. Pero mapilit kaibigan ko. Hindi lang daw ako pahalata at isang picture lang naman. Pagkatapos ng ilang minutes ng panghihikayat ko sa sarili at ni Berds, so, gora na lang din ako. Sakto yumuko siya kasi may katext siya habang pangiti ngiti. Inihanda ko na ang phone ko and CLICK! Kaso may FLASH pala! Wengya! Nahuli niya ako mga bes! Nakakahiya! Gusto kong tumalon sa sinasakyan namin pero syempre 'di ako tanga para gawin 'yon. Todo ako yuko non at hinarang ko ang buhok ko sa mukha ko! Lakas pa ng tibok ng puso ko sa kaba at kahihiyan! Lupa eat me alive! Laswa pakinggan ah.

  Ayon nga, hindi na ako ulit tumingin o sumulyap sa kanya. Pero naramdaman kong tumitig siya sakin mga bes. Nagpara na si Pogi kay Manong Driver at bumababa. Pagbaba niya don lang ako nakahinga ng maluwag. Nakatanaw lang ako sa papalayong bulto niya. Nakakahinayang kasi hindi ko natuloy pagkuha ng picture niya kahit isa lang. Hahaha

  Pogi, alam kong 'di na tayo magkikita ulit kasi visit lang ako dito sa Davao pero thanks for the unforgettable experience yet embarrassing one. You made my boring day. I wish I have the chance to apologise for my inappropriate behavior but as what I've said, visit lang ako dito sa Davao.

PS:
Ngumiti ka lang parati, Pogi. Mas lalong kang nagiging gwapo.

-Melang"

Source : UCnian Freedom Board - #flash

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66569.64
ETH 3235.92
USDT 1.00
SBD 4.31