TagalogTrail: Kwentong Nanay Anunsyo ng Nagwagi

in #philippines6 years ago

KwentongNanay.jpg

Unang-una po ay maraming salamat sa mga sumali sa patimpalak na ito. Lubos po ang kagalakan namin ni Junjun habang nagbabasa ng mga kwentong inyong inilahad para sa temang kwentongnanay. Napakahirap mamili sa mga isinaling bilang at sa unang pagkakataon ay mas maraming sumali sa patimpalak medyo nasanay na kami sa 3 o 5 na kasali hahaha. 😂 😂

Ang aming napili para sa patimpalak na ito ay mula kay......

KN_Winner_4.jpg

ISANG KWENTO NG INA

“Magsigising na kayo dyan! Tanghali na at mga tulog pa kayo ang tatamad ninyo.” sigaw ng nanay namin kada umaga sa aming anim na magkakapatid na tila lagi nalang may giyera sa loob ng bahay namin.

Matapang gaya ng kapeng barako na mula sa batangas pero mainit ding magparamdam ng pagmamahal para sa kaniyang mga anak.

Hindi dahil sa lagi siyang nananakot na bubuhusan ng tubig ang kaniyang mga anak kaya mainit kundi isang metaporang salita para sa mainit na pag-ibig.
Habang binabasa mo ang kwento niya tungkol kay Lucia matutuwa ka na maiinis din hahah tapos basta mga ganun. Hindi na kami nagtalo ni Junjun sa mananalo sa round na ito.

Ipapadala nalang namin bukas ng tanghali ang premyo ni @itsmejayvee at harinawa'y umabot sa Mother's Day sa Linggo.

Naibigan din namin ang ibang mga entry na isinali sa patimpalak kaya't bukas ang lahat ng sumali ay padadalhan nalang namin ng munting handog mga 0.10 SBD para sa partisipasyon. Lahat ay panalo parin dahil sa naipakita ng mga sumali ang kanilang pagmamahal sa Nanay at Asawa nila.

Muli isang magandang umaga sa lahat at Happy Mother's Day Po sa lahat!

Sort:  

Maraming salamt Toto at JunJun. Lalaban lang ako hehe kahit laging talo heeh.

Tama kung hindi madaan sa santong dasalan, daanin sa santong paspasan. Ang hirap mamili talaga kagabi kaya sobrang late na ang mga anunsyo at pagpapadala ng napanalunan.

Happy mothers day po sa mga nanay nyo mga boss😀😀

Salamat po sa pagpili sa aking akda @tagalogtrail
Maraming maraminh salamat po dahil sobrang magugustuhan ni nanay to

Yehey! Atleast walang bugbugang naganap nung nakaraan.

congrats kuya hapon! at sobrang excited nako ipalo sayo ni nanay ung bag o kaya palayasin kana sa bahay dahil sa isinulat mo na ipapalaminate nila toto at jun2 ..

🤣 well GL talaga.hahaha

Hahah nakita ko yung ini upload ni JV sa gen chat. Nakow masaya naman si Nanay mabuti naman. Salamat sa mga sumali lubos talaga naming naibigan ni Junjun iyon.

congrats @itsmejayvee. di ko na natapos yung entry ko .bago pa man mangalahati iyak na ako ng iyak. Di ko na tinapos. Sinisisi ko si @tagalogtrail dito. hahaha

Sana ni post mo narin @beyonddisability dapat di lang ikaw ang naiyak! Kasama mo dapat kaming lumuluha pag ganyan share daw dapat.

Naalala ko tuloy yung yumao kong ina. Sa susunod na mother's day haha babawi ako haha

Tama marami pang susunod at mas titindi pa ang mga pakulo namin ni Junjun.

Malay mo pabigas naman ang ipadala namin hahaha.

naks , ok ako dyan. laban lang

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64014.44
ETH 3064.06
USDT 1.00
SBD 3.86