LABAN SA KAHIRAPAN
Kay sarap lasapin ng ating kalayaan
Laban sa mananakop na dayuhan
Ating mga bayani eto ay pinaghirapan
Buhay inalay upang makamtan
Kalayaan ba ay masasabing sapat na,
Dahil tayo ay di na sakop ng mga banyaga,
Malaya ba tayong nagagawa ang nais
Oh kahirapan ay sadyang tinitiis
Ang masakop ng kahirapan, ay walang kasing pait
Daig mo pa ang nakakadena at sa selda ay nakapiit
Araw araw na dusa ang nilalabanang pilit
Matatapos pa ba ang pagpapakasakit
Subalit kaibigan ko, walang ibang tutulong sa'yo
Kundi ang sarili mo, at pagbangon nang palukso
Lahat ng pagdurusa ay malampasan mo
Kung ang pagbabago ay sisimulan mo
Paglaya sa kahirapan ay iyong makakamtan
Basta't sipag at tiyaga ang iyong kakapitan
Samahan pa ng tiwala sa Kalangitan
Pag-unlad ng buhay mo ay wala ng hangganan....
Have a great day everyone...
Thank You For Dropping By!!!
Steeming to the Moon,
Always look at the brighter side ❤️❤️
Sa bawat bigkas ng mga salita, nararamdaman ko ang sakit at pighati ng ating bansa. Patnubayan nawa tayo ang Poong Maylikha.
Salamat kapatid... Sa awa ng Diyos.. Kahirapan sa Bansa nati'y maisasaayos... 😘😘😍