Buhay at Camera

in #pilipinas6 years ago (edited)

image

Ang buhay ay parang camera lang yan. Sa bawat pagkislap nito ay may katumbas na alaala. Alaala na minsan ay di natin gusto. Dahil hindi lahat ng kuha ay maganda. Katulad sa ating buhay sa bawat pagdaan ng araw ay marami tayong pinagdadaanan na minsan ay di natin gusto ang mga nangyayari. Dahil ang ibang nangyayari ay hindi naaayon sa kung ano ang gusto natin.

Para maging maganda ang kuha ng camera sa ating mga sarili tayo ay ngumingiti. Ngumingiti para maging maganda ang kalabasan. Katulad sa ating buhay, kahit nahihirapan na pilit pa rin tumatawa para hindi makita ng iba na nasasaktan at nahihirapan na tayo.

Ang camera ay nakakakuha rin ng mga magagandang kulay. Katulad ng buhay na minsan ay makulay. Makulay sa tuwing tayo'y masaya at maganda ang mga nangyayari sa buhay na meron tayo.

Ang camera ay nasisira rin kung eto ay hindi binibigyan halaga. Katulad ng buhay pwede itong masira kung atin pababayaan at ipagsawalang bahala.

Ang buhay ay mahalaga kaya't kailanman ito'y ating pakakaingatan dahil iisa lang ang buhay na meron tayo. Samantala ang camera kapag nasira ay pwede pa maisaayos at kung hindi man ay palitan ng bago.

Ang masasabi ko lang ay dapat natin pahalagahan ang buhay natin at buhay ng bawat isa. Dahil lahat tayo ay binigyan ng karapatan para mabuhay ng masaya at malaya.

That's all for now. Until next time. I promise to be here in Steemit more often.

God bless to all.

Yours truly,

@betbet

Sort:  

Tama at sangayon ako sa sinabi mo bro. Smile tho your heart is aching ika nga. Sabi rin nga ni Freddie Aguilar.... Tawanan mo ang iyong problema.... ha ha ha ha ha ha.... hi hi hi hi hi hi!

Tama po kayo @manvillar. Itawa na lang natin ang problema. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.39
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70118.22
ETH 3546.28
USDT 1.00
SBD 4.89