Tula para kay Ama(Father's day poetry)

in #pilipinas6 years ago

baby-2616673__480.jpg
https://pixabay.com


Mapagpalang araw po sa lahat! Bago pa man dumating ang Araw para sa mga Tatay, andito po ang aking munting katha na alay ko po sa lahat ng ama sa buong mundo.😊 Sana po magustuhan nyo po.


Tula para kay Ama
Katha ni : @blessedsteemer
🙏


May isang tao akong labis na hinahangaan,
Isang lalaki na lubos ang aking paggalang.
Masipag, matipuno at iniisip ang aming kinabukasan,
Gagawin ang lahat makapagtapo kami sa magandang Pamantasan
.


Pagsusumikap nya ay di mapapantayan,
Halos ginagawang umaga ang gabi para kami at matustusan.
Kaya ginagawa ko ang lahat para di masayang,
Pagpapagal ni Ama na di matumbasan
.


Kaya naman kaming mga anak mo pati si nanay sayo taas kamay,
Bilang responsableng haligi ng tahanan na walang makakapantay!
Halos buong lakas iyong binibigay,
Para lamang kaming pamilya mo ay mabigyang ng magandang buhay
.


Sa lahat ng ama sa buong mundo kami ay sumasaludo,
Bilang haligi ng tahanan pagpupugay ay nararapat lang sa inyo.
Pagmamahal mo sa pamilya ay hinahangaan ko,
Kaya naman kayo ay aking iniidolo
.


Tatay,Ama, Dadi, Itay,Tatang ang tawag sa inyo,
Responsableng taong huwaran na pamilyado.
Buong tapang kong isisigaw sa buong mundo,
Maligayang araw ng ama para sa inyo
!


baby-22194__480.jpg
https://pixabay.com


Salamat sa inyong pagbasa sa aking munting tula at sana nagustuhan nyo.😊 Pagpalain po tayo ng Panginoon!

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


received_1948987111801248.png

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

Join us is discord channel;https://discord.gg/kNZ5WZ

DQmSLek3q4CXzLfHoWaY1px4et3ESobadxfM3upJjVEbcPW.gif

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT

DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpg

DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV.gif

Sort:  

P5K566dbt7XxM726MpQ1wHktVCXgwdSBtZi9YsYJQmeDgbqdrw5W

Maligayang araw ng mga Ama. Kabayang @blessedsteemer. tamang tama ang iyong pangalan nakaka bless ka. Nalala ko tuloy ang aking TATANG.

Maraming salamat sayo kabayan @fherdz sa pagbasa ng aking simpleng tula at nagpapasalamat ako na muling napukaw ang iyong damdamin sa pamamagitan ng aking tula..😊 pagpala ng Diyos ay ibuhos sa atin.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64733.60
ETH 3170.85
USDT 1.00
SBD 4.16