Ako'y isang Pilipino.

in #pilipinas6 years ago

20170612_0789452.jpg

Ako'y isang Pilipino.
Pilipinas ang bayan ko.
Lupain ng yaman at ganda.


Ako'y isang Pilipino.
Isinilang na may sariling wika.
Wikang may yumi at ganda.


Ako'y isang Pilipino.
Isinilang na may kalayaan.
Kalayaang ipinag-laban ng ating mga bayani.


Ako'y isang Pilipino.
Karapatan kong mag pahayag ng aking saloobin.
Ngunit bakit ako'y nagmistulang pipi.


Ako'y isang Pilipino.
Malaya akong mangisda sa karagatan ng aking bansa.
Ngunit bakit ako'y hinaharang, hinaharas at itinataboy ng dayuhan sa sarili kong karagatan.


Ako'y isang Pilipino.
Malaya akong tumuntong sa isla ng aking bansa.
Ngunit bakit ang isla ko'y inangkin ng mga dayuhan.


Ako'y isang Pilipino.
Bayan ko, binihag na muli.
Muling nasadlak sa dusa.


Ako'y isang Pilipino.
Kalayaan ko'y limitado.
Nagnanasang makaalpas sa koko ng dayuhan.

Ang larawang ito ay kuha sa bayan ng Minalabac, Probinsya ng Camarines Sur, Rehiyon ng Bicol sa pag-gunita nila ng ating kalayaan.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64320.07
ETH 3154.23
USDT 1.00
SBD 4.34