Filipino Poetry -- Alaala ni @jennybeans

in #pilipinas6 years ago

InShot_20180606_095625527.jpg

Alaala


Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi
Naliligo sa sariling pawis at atubili
Ang puso ko'y sobrang bilis ang pintig
Puting kisame sa aki'y nakatitig

Nag-uunahang umagos ang mga luha sa aking mata
Kasabay ang malakas kong pagsigaw na "Tama Na!"
Bangungot ng kahapo'y bumabalik na naman
At kanyang munting larawan ang naglalaro sa aking isipan

Matagal na kitang kinalimutan
Ibinaon ko na sa limot ang ating nakaraan
Akala ko lang pala yon
Dahil ikaw parin ang nasa puso ko hanggang ngayon

Alam ko ako ang may kasalanan
Kung ba't nauwi sa ganito ang ating pag-iibigan
Dahil sa pagkakataong ito hindi ikaw ang lumisan
Kundi ako, ako ang sayo'y nang-iwan

Pero masisisi mo ba ako?
Pagod na ako sa kakapakinig ng mga paliwanag mo
Pagod na akong makipagkompetensya sa trabaho mo
At lalong pagod na pagod na ako sayo

Ngunit ako'y nawindang sa balitang narinig
Para bang binuhasan ako ng malamig na tubig
Ikaw ay natagpuang patay na't may lubid sa leeg
Nag pakamatay ka nang dahil lang sa bigong pag-ibig?

Kung nasan kaman ngayon
Hangad ko ang iyong kapatawaran
At sana ako'y iyo nang tuluyang lubayan
Takot ako sa patay, alam mo yan 😜

Paalam na dating kasintahan
Paalam na



Dapat ito ay gagawin kong Spoken Word Poetry kaso nung napakinggan ko na ng buo parang hindi talaga siya pasok na pang spoken word eh kaya inilathala ko na lang bilang simpleng tula. 😊😊😊 Pero goal ko talagang mag spoken word siguro magagawa ko lamang yun kapag ka nakabuo ako ng medyo maganda gandang piyesa. 😂😂


U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif

InShot_20180404_000456458.jpg

JENNYBEANS-1.gif


Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Pramis sis @jennybeans maganda pu ang piyesa na iyan para gawing spoken word poetry. Nakasalalay den pu sa tamang pagbigkas, diction at accent, sekundarya po ang piyesa. Sabi nga pu sa aken ng isang matalik na kaibigan It's not the pana, it's the indian na ang ibig sabihin ay Hindi nakabase sa piyesa kundi sa magbabasa ng piyesa.

Salamat sis @lingling-ph 😊 Sa totoo lang nakagawa na ako ng video at may audio na rin kaso nagkatalo talaga pagdating sa accent at diction hehe 😅 Di bale gagawa ako ulit ng pang spoken word at i po-post ko na sa susunod 😂😂

Nakakalungkot na nakakatakot na bangungot sa buhay sis,,,galing ng pagkagawa mo !!!

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64664.11
ETH 3166.18
USDT 1.00
SBD 4.11