Kung Wala Ka...

in #pilipinas6 years ago

Natapos na ang lahat, nandito parin ako.
Heto't nakatulala, sa mundo.

Tulalang tulala at matagal ng tapos ang aking mga pinangarap na maayos na pamilya. Pero nandito parin ako para sa aking mga anak na patuloy na nagmamahal sa kin at hindi ako iniiwanan.

Di mo naiisip, di ko nakikita.
Mga pangarap ko, para sa'yo.

Sa simula palang ng aming dating samahan ay nakita at naisip ko na ang aking maling hinala na kami ay magsasama magpakailanman pero, ang pangarap na iyon ay biglang naglaho at nagibang landas. Mga pangako na napako at bigla nalang tinapon sa tabi tabi.

Hindi ko maisip kung wala ka,
Sa buhay ko.

Pilitin ko man na hindi isipin na sobrang saya mo na sa iba, pero, ngaung tanggap ko na ang lahat, ang mga anak ko nalang ang tanging mga bagay na nagpapasaya at patuloy na dinurugtungan ang aking buhay.

Gagawin ko ang lahat para sa kinabukasan ng aking mga anak.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70753.86
ETH 3589.34
USDT 1.00
SBD 4.75