Bayan ko, anong nangyari sa'yo?

in #pilipinas6 years ago (edited)

Bayan ko, anong nangyari sa'yo?
Bayan noo'y huwaran sa kagitingan
Bayan ko, anong nangyari sa'yo?
Dating kalayaa'y naitapon sa kawalan

"Pilipino ang pagpatay sa kapwa pilipino"
Pariralang ang kasalukuyan ang s'yang nagpakatotoo
Bayan ko, anong nangyari sa'yo?
Bakit ikaw ay nagkaganito?

Katarungan kalayaan nasaan kana?
Dating pag-asa'y tila naglaho na
Bayan ko, anong nangyari sa'yo?
Pagsusumamo ko sana'y pakinggan mo

Bakit kailangan humantong sa ganito?
Bakit kailangan magkagulo at dumanak ang dugo?
Pilipino kontra sa lahi mo
Bayan ko, anong nangyari sa'yo?

Bakit nga ba tuluyang iwinaksi?
Iwinaksi ang kalayaan at katarungang noo'y pinakamimithi
Bayan ko, anong nangyari sa'yo?
Kami ba ay tinalikuran mo?

Kay hirap tanggapin, kay hirap isipin
Na katarungay tinalikuran na sa atin
Katarungang pinaglaban noon pa man
Mukhang 'di na masisilayan kailanman

33C2605D-0CAF-4A2A-B9E4-6B07B2493F85.jpeg
imagesource

Sana'y nasiyahan kayo sa aking obra. Maraming salamat po!!!

Mabuhay ang makatang PILIPINO!!!

🌼🌼loverlass🌼🌼

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64852.72
ETH 3178.07
USDT 1.00
SBD 4.20